AlDub kalyeserye earns thumbs up from church groups for espousing Catholic virtues

Various Catholic groups nationwide praised Eat Bulaga's kalyeserye for upholding "moral standards," particularly about responsibility in love and marriage.


Ang mahigit 2.5 million tweets na inani ng hashtag na #ALDUBagainstALLODDS ngayong Sabado, August 22, ay patunay na marami ang sumusubaybay sa tambalang Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) o AlDub sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

At hindi lang ang AlDub fans ang natuwa at nag-celebrate dahil fake pala ang YaKie wedding nina Yaya Dub (Maine Mendoza) at Frankie Arinoli (Jose Manalo).

Maging ang iba’t ibang church ministries at groups ay nagbigay-puri dahil sa pag-push daw nito ng "moral agenda."

Sa takbo kasi ng istorya ng KalySerye ng Eat Bulaga!, mahigpit na tinututulan ni Lola Nidora (Wally Bayola) ang pag-iibigan nina Alden at Yaya Dub.

Ipinaliwanag ni Lola Nidora na ang tunay na pag-ibig ay pinaghihirapan at hindi minamadali.

Isa sa pinakatumatak na quote mula kay Lola Nidora ay ito: “Ang pag-ibig ay iniingatan at ipinagkakaloob sa tamang panahon.”

Pagkatapos namang mabuko na peke ang kasalan nina Yaya Dub at Frankie, sinabi ni Lola Nidora na ang pag-ibig ay hindi nabibili ng salapi.


"Hindi sapat ang yaman para ibigin ang tao. Ang pag-ibig, nararamdaman, hindi binibili. Ipinaglalaban, iniingatan, at ipinagkakaloob sa tamang panahon."

Isa sa nagbigay ng positibong reaksiyon dito ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).

Sa pamamagitan ng Twitter account na @cbcpnews, isa sa online platforms ng CBCP, pinuri nila ang 36-year-old noontime show sa pag-highlight nito ng “moral standards when it comes to marriage.”

Narito ang tweet ng @cbcpnews:

“2M tweets for Filipino marriage moral standards! @EatBulaga #KalyeSerye #ALDUBAgainstALLODDS”-@cbcpnews

Ang tweet na ito ng CBCP News ay ni-retweet 222 times.

Ang Radyo Veritas naman ay nag-tweet din tungkol sa “pure intentions” ng Kapuso noontime show.

“We salute @eatbulaga for the pure intentions of #KalyeSerye to bring back to mind the basics of love & responsibility. #ALDUBAgainstALLODDS"-@kapanalig

Na-retweet ito 272 times at naging favorite ng 185 users.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang 100% Katolikong Pinoy! ay nagpakita rin ng kanilang suporta sa kalyeserye ng Eat Bulaga dahil sa wholesome message nito tungkol sa pag-ibig.

“We support #KalyeSerye because the message is wholesome. It reflects how love should be. Love is patient, love is kind #ALDUBAgainstALLODDS"-@katolikongpinoy

Na-retweet ito 257 times at naging favorite ng 169 users.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN