Coleen Garcia feels honored to be paired with Derek Ramsay: ''I feel pressured at the same time.''

Coleen Garcia feels honored being paired with Derek Ramsay in their latest movie Ex With Benefits: "It's really an honor, not just because he's one of the most desirable [leading men around], but also [because] he's such an experienced actor. I mean, it's really big deal for me.''


Bago tinanggap ni Coleen Garcia ang launching movie niyang Ex With Benefits, alam na raw niya kung ano ang magiging takbo ng kuwento nito, at kung ano ang mga eksenang aasahan niya.

Kaya nang kunan ang love scenes nila ng kanyang leading man na si Derek Ramsay, wala na siyang gaanong inhibitions.

Ayon sa hiwalay na panayam kay Derek, halos buong pelikula raw ay may mga maiinit silang pagtatagpo ni Coleen, na isa sa mga dapat abangan ng mga manonood simula September 2.

Sa presscon ng Star Cinema at Viva Films-produced movie na ito na ginanap sa 4th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN kagabi, August 22, hindi naging matipid si Coleen sa pagsagot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga tanong tungkol sa bagay na ito.

Bungad ng Kapamilya actress, "Before I accepted it, I made sure to read everything first—script and all.

"So you see, the way it's marketed now, it's something new to the public 'cause it's something na sexier from what people are used to [seeing me in].

"But it still doesn't take out the emotions. It still doesn't take out the story, which is very nice.

"And I feel the story, and I like it."

THANKFUL FOR BILLY'S UNDERSTANDING. Ipinagpapasalamat din ni Coleen na sa kabuuan ng shooting nila ng pelikula ay wala namang reklamo ang kanyang boyfriend na si Billy Crawford.

Naintindihan daw ng Kapamilya singer-TV host na launching movie ni Coleen ito, at bilang boyfriend, ang dapat nitong gawin ay suportahan at intindihan siya.

Inilarawan ni Coleen ang suporta ni Billy: "Yes, sobra!

"Grabe, he even posts pictures without even asking. Gusto niyang pumunta sa premiere night. Like, more than what I could even ask for.

"Plus factor yun sa akin, kasi it's hard.

"Im doing a project like this, it's hard enough as it is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And alam niya yun kasi, nasa showbiz naman siya.

"And I guess, it helps.

"And it also helps that he's little bit older... I mean, a lot older, let's be honest.

"He's ten years older than I am, and he's been through a lot also in showbiz, so alam niyang kailangang pagdaanan ang mga bagay na ito.

"Yun nga, one thing good, he's been very understanding."

PROFESSIONAL. Sa puntong ito, inalam namin sa kanya kung naging physically attracted siya kay Derek habang ginagawa nila ang pelikula.

Sagot ng actress-TV host, "Ako kasi, we're acting, e.

"That's our job—that as actors, kapag nasa set kami, ibang tao.

"So when I'm on the set, I'm a totally different person.

"I'm Arki [her role] and he's Adam [Derek's role].

"That's why, what we're doing, we're just professional, at pag nag-cut na, wala na yung [passion]."

Kumusta Derek bilang Adam?

Pagpuri ni Coleen, "He fits the role to a T.

"He's very firm, he's mature, and bagay na bagay talaga sa kanya.

"So I guess, tama lang na siya ang ka-partner ko."

HONORED TO BE PAIRED WITH DEREK. Dahil isa nga si Derek sa most desirable leading men sa showbiz, ikinararangal ba ni Coleen na ito ang ka-partner niya sa movie?

Walang kagatul-gatol na saad ng It's Showtime host, "Of course, of course!

"It's really an honor, not just because he's one of the most desirable [leading men], but also [because] he's such an experienced actor. I mean, it's really a big deal for me.

"He's been paired with so many leading ladies already, he had so many hit movies already, so I feel pressured at the same time.

"But it's such an honor to be working with him."

MAJOR ACCOMPLISHMENT. Ayon kay Coleen, ang pelikula niyang ito ay masasabi niyang isa sa pinakagamandang nangyari sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Yes, for me. Yes, it is.

"It's my launching movie. It's from Star Cinema and Viva Films, so it's really a big deal for me.

"Siyempre, this is every actress's dream, di ba? Kaya, sobrang happy and feeling blessed talaga ako.

"I really can't wait to see the whole thing, and I hope you guys watch it also."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN