Megan Young deeply moved by Marian Rivera's advice for her as new Marimar

Megan Young prefers to keep Marian Rivera's advice to herself: “Yung mga tips na ibinigay niya, parang I’d like to keep that for myself. Kasi I really treasure everything that she said to me.”


Magsisimula na ngayong Lunes, August 24, ang pag-ere ng ikalawang Pinoy remake ng Marimar, na pagbibidahan nina Megan Young at Tom Rodriguez.

Sa TV guesting ng dalawa sa Sunday PinaSaya kahapon, August 23, bakas sa mukha nila ang sobrang excitement habang ipinu-promote ang kanilang teleserye.

Pahayag ni Megan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at crew ng GMA News, “Actually, parang ang bilis nga ng panahon.

"Hindi ko sukat-akalain na kick-off na pala.

“But, I guess, kanina nung sumasayaw na kami sa Sunday PinaSaya, tapos sinurprise pa kami ni Ate Yan, I guess lahat ng kaba, nawala.

"Kasi sobrang na-touch kami ni Tom. Naiyak nga ako."

Habang nagpu-promote kasi sila ay tinawag ng nag-interview sa kanilang si Alden Richards ang co-host nitong si Marian Rivera, na siyang unang gumanap bilang Pinay Marimar noong 2007.

May dala-dalang bouquet ng bulaklak si Marian para may Megan, at nagbigay rin ng maikling pananalita para sa pagganap ng Miss World 2013 bilang bagong Marimar.

Read: Marian Rivera formally relinquishes Marimar role to Megan Young

Patuloy ni Megan, “Because hindi ko po talaga in-expect. It was a very pleasant surprise.

“Parang… I was planning to write a letter or a note [for Marian]. Tapos biglang sila ang nag-surprise sa akin.

“So, thank you!”

Ang orihinal na Marimar ay mula sa Mexico, na umero noong 1994 at pinagbidahan ng Mexican singer-actress na si Thalia.



PASSING THE TORCH. Masasabing ang pagsorpresa at pag-abot ng bouquet of flowers ng Kapuso Primetime Queen sa Miss World 2013 ay tila gesture na rin ng approval at pag-i-endorse ni Marian kay Megan bilang bagong Marimar.

Pagsang-ayon ng actress-beauty queen, “I guess so.

"Well, siyempre siya yung first Pinay Marimar, and you know, a lot of people drew inspiration from her and looked up to her as well.

“So I hope that I’ll be able to be at par with the second remake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kahit na magkaiba yung story, nasa puso kasi ng tao si Marimar, so sana subaybayan din ng viewers ang pinakabagong remake.”

Nagkaroon ba sila ng pagkakataong mag-usap ni Marian sa guesting niyang iyon sa Sunday PinaSaya?

Sagot ni Megan, “Yeah, parang nagka-small talk kami.

“After ng pagbibigay niya ng flowers sa akin, Ate Yan congratulated me. Tapos meron siyang tips na ibinigay.

“Pero siyempre, parang for me, yung mga tips na ibinigay niya, parang I’d like to keep that for myself.

"Kasi I really treasure everything that she said to me.

“Like, kahit sobrang saglit lang yun, parang sa sobrang saglit lang ng pag-uusap namin, there was so much meaning in what she said to me.

“And if I treasure that, if I keep that to myself, parang feeling ko, 'eto na yun! Parang 'eto na.

“Actually ngayon, hindi ko talaga ma-express ang sarili ko. I can’t put it into words.

“Kasi sobrang… I don’t know. Natutuwa ako na naiiyak na gusto kong tumawa.

“Hindi ko alam... hindi ko alam. Mixed emotions siya.

"Sobrang na-starstruck ako nung nakita ko siya.

"Kasi ilang taon na rin since the last time na nakita ko siya. Tapos sa isang event lang."

Natatawang sabi pa ni Megan tungkol sa pagkikita nila ni Marian kahapon, "Oh, my gosh, hindi ko alam ang gagawin ko!

“I just didn’t know what to do nung lumabas siya.”


YAYA DUB RESEMBLANCE. Nangiti namang muli si Megan nang matanong sa sinasabi ng iba na may hawig daw sa kanya si Maine Mendoza, na mas kilala bilang Yaya Dub ng Eat Bulaga.

Aniya, “Gusto ko siyang makilala. Pero I think dapat makilala niya muna si Alden [Richards].

“Dapat sila muna. Yung love story nila.

“Parang I’m just ano… a silent fan.

“Actually, hindi na pala ako silent fan kasi sinabi ko na, ni-reveal ko na e!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nakakatuwa sila, sobrang nakakatuwa sila.

“Sobrang natutuwa ako. It brightens up my day when I see them.

“Faney [fan] talaga ako ng AlDub. Oo!” pahabol pa ni Megan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN