Jaclyn Jose amused that Lola Nidora's character was inspired by one of her former kontrabida roles: “Napansin ko nga.”

Jaclyn Jose on her Marimarwardrobe: “Animal prints. Hayop kasi ang ugali ni Señora. At siyempre, may mga hirit ako na pang-iinsulto kay Marimar. Inglisera rin si Señora kaya lalong matataranta si Marimar!”


Masaya raw ang award-winning actress na si Jaclyn Jose sa pagganap bilang kontrabida sa mga teleserye.

Sa bagong primetime series ng GMA Network na Marimar, kakaibang karakter ang ipapamalas niya bilang si Señora Angelika Santibañez.

Isa siya sa magpapahirap kay Megan Young, na gaganap bilang Marimar.

Nag-experiment daw ang aktres sa kanyang bagong look para maiba sa mga ibang kontrabida roles na nagawa niya.

Saad ni Jaclyn, “Yung last teleserye ko na More Than Words, mabait ako doon, e.

"Kaya wala akong masyadong ginawang iba doon sa hitsura ko.

“Dito sa Marimar, kailangan pabulosa ako bilang isang senyora na maldita at nang-aapi.

“Kaya nagpaiba ako ng buhok ko para mas kontrabida ang dating ko.

“Tapos, pati ang wardrobe ko sa teleserye ay puro animal prints. Hayop kasi ang ugali ni Señora.

“At siyempre, may mga hirit ako na pang-iinsulto kay Marimar.

“Inglisera rin si Señora kaya lalong matataranta si Marimar!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaclyn sa grand launch ng Marimar last week.


TWEAKING HER ROLE. Hindi raw nami-miss ni Jaclyn ang roles niya noon na inaapi siya.

Graduate na raw siya sa ganung roles at gusto na lang niyang maglaro sa iba’t ibang characters.

“Hindi naman habambuhay ay pare-pareho ang roles na ginagawa natin.

“Gusto ko ng variety at nag-e-enjoy ako sa mga ganitong ginagawa ko, tulad dito sa Marimar.

“May freedom ako na makapag-create ng sarili kong dialogues.

“Minsan binabakla ko na lang para maaliw naman ang mga manonood,” sabi niya.


LOLA NIDORA. Marami ang nagsasabing ang peg ng sikat ngayong TV character ni Wally Bayola sa Eat Bulaga!, si Lola Nidora, ay ang kontrabida role ni Jaclyn sa teleseryeng Mundo Mo’y Akin na si Doña Charito Vda. de Carbonel.

“Oo, at napansin ko nga!” natatawang pagsang-ayon ni Jaclyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ko ring gayahin ang dialogue ni Lola Nidora na, ‘Babala, asawa ni Babalu!’"

Sabi pa ng aktres, “Nagngingitngit ako diyan kay Lola Nidora. Ako ang harapin niya. Lola sa lola kami!

“Kapag kasi nakikialam ‘yang si Lola sa pagmamahalan nila Alden [Richards] at Yaya Dub, pati ako apektado, nagagalit ako talaga,” patuloy na tawa niya.

Inamin ni Jaclyn na parati niyang inaabangan ang kalyeserye ng Eat Bulaga! at tagahanga siya ng tambalang AlDub nina Alden at Yaya Dub.

Sabi niya, “Natutuwa ako sa kalyeserye na ‘yan. Nakakawala ng stress.

“Kapag ‘yan na ang nasa TV, ang sarap tumawa.

“Pero kilig pa more din ako dahil sa AlDub. Bagay silang dalawa, ‘di ba?”

Masaya rin ang aktres para kay Alden dahil nagbubunga na raw ang pagiging masipag at mabait nito.

Tatlong beses nang nakasama ni Jaclyn si Alden sa mga teleserye ng GMA: Mundo Mo’y Akin, Carmela, at Ilustrado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN