Is Derek Ramsay back in good graces of ABS-CBN?

Derek Ramsay on appearing in ABS-CBN shows to promote his movies: "Sa TV, they're allowing me to promote on their key shows. And TV5 is allowing me here also, so you'd be seeing me in some of their shows here. Basically, we'll keep it strictly for the movie. Respeto sa TV5, respeto ko naman sa kung saan ako lumaki [ABS-CBN]."


Masaya ang aktor na si Derek Ramsay na matapos ang mahaba-habang panahon ay muli siyang nakatuntong sa bakuran ng ABS-CBN.

Ito ay para mag-promote ng pelikula niyang Ex With Benefits sa iba't ibang programa ng Kapamilya network.

Matatandaang may silent ban noon ang ABS-CBN kay Derek matapos nitong lumipat sa TV5.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Derek sa presscon ng Ex With Benefits, noong Sabado, August 22, na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN compound, isa sa inalam sa kanya ay kung paano nangyari ang bagong kaganapang ito sa kanyang career.

Kuwento niya, "It all started sa pelikula kong Pangil, and there were couple of reasons kung bakit ko tinanggap ang pelikula.

"One, because it's affiliated with Star Cinema, because it's Skylight [Films].

"Number two, si Direk Toto Natividad was my first director ever on TV. So I said, 'I have to do this.'

"Nung tinanggap niya ako sa Panday [2005-2006], di lamang ako minor role dun, actually major role ako na dun.

“He was the one patient enough take after take after take, he made me comfortable.

"Sabi ko, 'I have to make a movie with Direk Toto again.'

"So, I did it... tungkol sa malaking buwaya [yung movie].

“Na-shock pa nga ako dahil si Sir Enrico [Santos, head of Skylight Films] pa ang pumunta sa set sa isang show sa TV5."



ABOUT TIME. Ang ibig sabihin, si Direk Toto ang naging tulay upang muli siyang tanggapin sa bakuran ng ABS-CBN?

Pag-amin ng dating Kapamilya actor, "Yeah, I have to thank Direk Toto.

"I think he really fought for me and Sir Enrico, na nakatrabaho ko na before when we did Corazon [2012].

"I have really a great relationship with Sir Enrico and Tita Malou [Santos, head of Star Cinema].

"I guess, they just figured out na it's about time na both parties had to settle and just move on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Direk Toto din kasi, sinabi niya talaga, 'Ikaw lang ang gusto ko para sa pelikulang ito [Pangil], and that opened the doors.

"Siguro na-realize nila na, 'Hey, we should give Derek another chance,' then, heto na."

Dumaan ba siya sa prosesong kailangan niyang humarap sa ABS-CBN executives para maayos ang lahat sa pagitan nila?

Tugon ni Derek, "No more na, it’s just let it be, let's not make things...

"No more, I just spoke to Sir Enrico, and he said, 'Let's just keep our fingers crossed that this leads to better things.'

"We shot Pangil this year, and we finished this, Ex With Benefits.

"It looks like it's going to that direction, dalawang pelikula.”

Pero nilinaw ni Derek na ang relasyon niya ay sa Star Cinema lamang.

"Yeah, it's just with Star Cinema… sa TV, they're allowing me to promote on their key shows.

"And TV5 is allowing me here also, so you'd be seeing me in some of their shows here.

"Basically, we'll keep it strictly for the movie.

"Respeto sa TV5, respeto ko naman sa kung saan ako lumaki [ABS-CBN]."



BUSY, BUSY. Ang Ex With Benefits ay ang latest movie ni Derek sa Star Cinema and Viva Films; kasama niya rito sina Coleen Garcia at Meg Imperial.

Kakapirma pa lang niya ng panibagong managerial contract sa TV5 for three years.

Aniya, “Yun ang kagandahan ng TV5.

"They know na nanggaling ako dito [ABS-CBN] and, yes, I'm also under contract sa Viva.

“They [Viva] have already contacted me, maybe, I'm not quite sure, to do a movie with Anne [Curtis] again.

"Sana matuloy 'cause I'd love to work with Anne again.

"I have a contract also with Regal [Films], and I'll be doing a movie with Solenn [Heussaff], my ex [girlfriend].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN