Zoren Legaspi bats for sharing of actors among networks: "Para magkaroon ng iba-ibang klase ng pairing na hindi nakakasawa."

Zoren Legaspi is baffled by how the fans club of his daughter Cassy and young singer Darren Espanto came about. “Hindi ko alam kung saan ‘yon nanggaling, kung paano ‘yon nagsimula... yung mga followers, e, talagang solid. Although hindi pa naman nagkikita yung dalawa."


Balik-Kapuso si Zoren Legaspi para sa bagong remake ng Marimar, na pinagbibidahan nina Megan Young at Tom Rodriguez.

Pahayag ng aktor, “I’m happy to be back dahil matagal akong nawala.

“Siguro mga five years din akong nawala sa kanila, e. I’m happy to be back.”

Wala raw siyang kontratang pinirmahan sa GMA Network, at lagi naman daw siyang freelancer kahit noon pa man.

“I believe na dapat ang mga artista, talagang freelancer.

“Dapat magkaroon ng understanding ang mga istasyon na magkaroon ng sharing ng actors.

“Otherwise, ang magsa-suffer niyan, yung viewers, na paulit-ulit na lang ang pairing.

“Ang maganda, kung napi-pair ang bawat isa dun din sa kabilang istasyon.

“Strong believer ako dun para magkaroon ng iba-ibang klase ng pairing na hindi nakakasawa.”

FATHER OF MEGAN. Sa ikalawang Pinoy remake ng Mexican telenovela, na orihinal na pinagbidahan noon ni Thalia, ginagampanan ni Zoren ang papel ni Gustavo na ama ni Marimar.

Does it make him feel older now na anak na niya si Megan, 25, sa isang teleserye?

“At least may anak akong Miss World!” birong reaksiyon ng 43-year-old actor.

Dahil sa sinabi ni Zoren, naungkat ang relasyon niya noon kay Miss 1993 World 2nd Princess Ruffa Gutierrez.

Ngayon naman, ang first Pinay Miss World ay gumaganap na unica hija niya sa Marimar.

“Bakit nga ba ako malapit sa mga World-World na ‘yan?” sabay tawa ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Si Zoren ay nasa GMAngayon, habang ang asawa naman niyang si Carmina Villarroel ay nasa ABS-CBN.

Hindi ba isyu sa kanilang mag-asawa na magkaiba sila ng network pinagtatrabahuan ngayon?

Saad ng aktor, “Feeling ko, advantage na magkaiba kami ng istasyon para napi-pair ako sa iba, napi-pair din siya sa ibang artista.

“At the same time, pag-uwi namin, meron kaming iba-ibang kuwento.

“Kasi iba ang style dito, iba rin yung style dun sa kabilang channel.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SMOOTH RELATIONSHIP. Hindi lahat ng showbiz couples ay gaya nila ni Carmina na napapanatiling masaya at matatag ang pagsasama bilang mag-asawa.

Pahayag ni Zoren tungkol dito, “Yung personality siguro namin, nagbibigay kami ng space sa isa’t isa… kailangan naman iyon, e.”

Sa pagsasama ba nila ni Carmina, si Zoren ang mas nagdadala dahil siya ang padre de familia?

Ayon sa aktor, “Walang nagdadala, kusa siya, e, walang nagbibigay ng effort para dalhin yung relationship or nagbibigay ng malaking sakripisyo. Wala naman.

“Hindi yung mas malaki ang sakripisyo niya para mas mag-work yung relationship or mas malaki ang sakripisyo ko.

“Hindi ganun, kusa siyang tumatakbong maganda.”

Paano ang sharing nila pagdating sa expenses ng kanilang pamilya?

“Wala kaming pag-uusap… minsan siya, minsan ako.

“Meron lang certain amount na meron kaming itinatago for investment purposes.

“Basta matustusan lang yung gastusin sa bahay at yung mga pangangailangan ng kambal namin [Cassy and Mavy], at saka yung tuition fee nila, ganun.”



SCHOOL FIRST. Payag ba naman siya kung sakaling gustuhin ni Cassy o ni Mavy na mag-showbiz?

Sagot ni Zoren, “Depende ‘yon sa network kung paano sila aalagaan, ayoko silang gawin na parang alipin ng pera.

“Kailangan bigyan ng importanisya yung pag-aaral, at the same time nai-enjoy nila ang kanilang kabataan.

“Ayoko yung ginagawa ng mga iba. Yng mga iba, okey sa kanila, pero sa amin hindi.”

May offer na ba sa kambal?

“Kapag nagtatanong sila, ang laging sagot ni Carmina, ayaw niya.

“Pero ako, I’m open.

"But like I said, kailangan maganda lang yung career plan at mapapangalagaan lang talaga yung kambal.

“Kumbaga, it’s going to be a long-term relationship, hindi short-term.”

May mga nagtataka, bakit hindi na nila sinundan pa ang kanilang kambal?

Paliwanag ni Zoren, “Hindi kailangan kasi mabait yung dalawa, happy na kami, hindi naman rebelde yung dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, lalaki yung isa, tapos yung isa babae.

“Nandun na yung satisfaction, e, wala ka nang hahanapin kaya hindi na namin sinusundan.”



CASSY-DARREN FANS. Hindi pa man nag-aartista si Cassy, pero nakakagulat na mero nang nabuong fans para sa kanilang dalawa ng singer na si Darren Espanto.

Pahayag ni Zoren, “Hindi ko alam kung saan ‘yon nanggaling, kung paano ‘yon nagsimula.

“Pero malakas nga yung ingay na ‘yon, aware naman ako dun.

"At ang nakakabilib lang, yung mga followers e talagang solid, although hindi pa naman nagkikita yung dalawa.

“Basta binuo na nga lang ‘yon ng fans, sila ang nagbuo.”

Cassy is now 14, may mga manliligaw na rito?

“Wala naman, hindi pa puwede, kai-kaibigan pa lang.

“Wala pa kami sa chapter tungkol sa pag-i-entertain ni Cassy ng manliligaw.

“Matagal pa ‘yon, siguro kapag mga 28 years old na siya, puwede na!” natawang biro ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN