Ai-Ai delas Alas attributes success of Sunday PinaSaya to 'tamang panahon'

Ai-Ai delas Alas on reports that ASAP is copying Sunday PinaSaya's comedy format: "Di ba, sabi nga nila, imitation is a form of flattery? So, we are all flattered. Flattered kami kasi, ayun, ginagaya na nga kami. And nakakatuwa kasi mas maganda naman yung ginagaya kesa nanggagaya."


Ikinatutuwa ni Ai-Ai delas Alas ang pag-arangkada sa ratings ng bagong weekly show na kinabibilangan niya sa GMA Network, ang Sunday PinaSaya, na napapanood tuwing Linggo ng tanghali.

Nag-pilot ang Sunday PinaSaya noong August 9 at sa loob ng tatlong linggo ay natalo nito sa rating ang katapat nilang programa sa ABS-CBN, ang ASAP 20, base sa Mega Manila ratings ng AGB Nielsen.

Noong August 9, nakakuha ang Sunday PinaSaya ng 22.7%, samantalang ang ASAP ay nakapagtala lamang ng 11.5%.

Noong August 16, 20.3% ang nakuha ng Sunday PinaSaya kontra sa 11.7% ng ASAP.

Nitong August 23, umakyat muli sa 22.7% ang rating ng Sunday PinaSaya, samantalang 11.7% ulit ang nakuha ng ASAP.

Pahayag ni Ai-Ai tungkol dito, “Ako, tingin ko, we’re so blessed.

“Sabi ko nga, tuwing ano, magdadasal kami every Sunday morning.

“Nagpapasalamat kami sa Panginoon sa lahat ng blessings na ibinigay nila sa amin.

“Sobrang blessed ang show namin.

“Sobrang blessed ang GMA-APT [co-producers ng show]… and lahat may magagandang nangyayari sa amin.

“Wala, to God be the glory na lang. Wala na kaming masabi pa.

“Kapag panahon talaga, panahon talaga, e.”

Noong talunin nila sa ratings ang ASAP sa pilot telecast ng Sunday PinaSaya, may mga nagkomentong nakatsamba lang ang programa nila.

Ngunit napanatili nila ang mataas na rating noong sumunod na dalawang linggo.

Sabi ni Ai-Ai, “Oo, salamat. Thank you po.

“Napaka-blessed po namin at ang gusto lang talaga namin ay magpasaya.

“So, na-achieve namin yung Sunday PinaSaya.’”

Kasama ni Ai-Ai sa comedy-variety program na ito ng Kapuso network sina Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Paras, Jerald Napoles, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Valeen Montenegro, at Alden Richards.



FLATTERED BY IMITATION. Marami namang manonood ang nakapansing mula nang umere ang Sunday PinaSaya ay nagkaroon na rin ng pagbabago sa format ng ASAP 20, kung saan tampok ang ilan pinakasikat na singers, hosts, at artista ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung noon ay puro kantahan at sayawan lamang ang musical-variety show ng Kapamilya network, ngayon ay nagdagdag na rin sila ng comedy skits at games.

May ilan pang netizens ang nagsasabing kinokopya diumano ng ASAP ang format ng Sunday PinaSaya, na ang pinakabentahe ay ang pagpapatawa nang live na may halong kantahan at sayawan.

Ano ang reaksiyon dito ni Ai-Ai?

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Di ba, sabi nga nila, imitation is a form of flattery?

“So, we are all flattered.

“Flattered kami kasi, ayun, ginagaya na nga kami.

“And nakakatuwa kasi mas maganda naman yung ginagaya kesa nanggagaya. Nabasa ko lang ‘yan sa Twitter, ha.”



IT’S OUR TIME. Sa tingin niya, anong meron sa Sunday PinaSaya at kinakagat ito ng mga manonood?

Saad ni Ai-Ai, “Kasi, siguro sa rami ng problema ng Pilipinas, sa rami ng negativity… positive, e.

“It’s about time, positive, masaya.

“Wala kang sinasaktan... wala kang pangit na sinasabi. Nagpapasaya ka lang ng tao.

“And ano yun, greatest ano talaga yun, maging masaya ka.”

Dagdag ng Philippine Queen of Comedy, “Saka, sama-samang factors na rin.

“Like si Alden, malaking bagay talaga.

“Yung Jose-Wally… kaputukan din ni Wally, e.

“Si Marian na alam naman natin na may maraming kulto talaga ‘yan.

“Tsaka panahon, kasi minsan hindi mo malalabanan yung panahon talaga, e.

“Panahon ni Alden ngayon. Panahon ng AlDub, panahon ng EB [Eat Bulaga], panahon ni Wally at ni Jose.”

Makukunsidera ba ni Ai-Ai na panahon din niya ngayon?

Sagot niya, “Ay, ako? Ano na lang ata ako… third wind ko na ata ‘to.

“Pirming opening-closing lang ako, tsika-tsika. Ayun na ‘yon.

“Ang sarap nga ng buhay ko rito, e, chill-chill lang.

“Pero nung una, ano, sobrang pressured sa akin, sobra.

“Kasi, kumbaga, sasabihin nila, ‘O, si Ai-Ai na naman ang timon diyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga, e, kaya sabi ko, ‘Diyos ko, thank you, kasi lahat ng samahan ko, e, nagri-rate naman.’



#MARIAN LOVETEAM. Noong Linggo, August 23, ipinakilala rin ang bagong tambalan nina Ai-Ai at Jose sa Sunday PinaSaya na tinawag na #Marian o pinagsamang mangga at durian.

How does it feel na biglang nagkaroon sila ng “loveteam” ni Jose sa?

“Wala, masaya, kasi napakagaling ng writers ng PinaSaya.

“Naiisip nila yung mga ganoon, kilig moments, sa ganitong edad namin na 35,” biro ni Ai-Ai sa kanyang edad.

“Kaya pa naming pakiligin yung fans. So, nakakatuwa, di ba?

“Napakasaya kasi magaling talaga silang mag-eksperimento, e.

“Tsaka biro mo, natatahi nila yung kanta, ha.”



THANKFUL. Ayon kay Ai-Ai, puro dasal at pasasalamat ang ginagawa niya dahil sa mga biyayang dumarating sa kanyang buhay ngayon.

“Puro dasal lang at pasasalamat sa Diyos na binigyan Niya ako ng ganung suwerte.”

Sa kanyang palagay, saan nanggagaling ang suwerte niya sa buhay?

“Kay God yun,” mabilis na sagot ni Ai-Ai.

“Sinabi ko kasi sa Kanya, e, nung babalik ako sa showbiz.

“Sabi ko, ‘Kung gusto Ninyo po akong bumalik, ibalik N’yo po yung magic na meron ako.’

“So, ibinalik naman Niya. Thank you, Lord.

“Super talaga! Super hiling ko yun sa Kanya.

“Tsaka talagang lumuluhod ako sa Baclaran para sa lahat ng mga blessings na mangyayari sa amin.

“Hindi lang sa akin. Hindi lang sa buong istasyon, kundi pati sa lahat ng mga programa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN