Jaclyn Jose says daughter Andi Eigenmann too busy for lovelife: "Now she’s happy, so I’m happy."

Dramatic actress Jaclyn Jose redefines kontrabida roles on her own terms. “Ginagawa ko siyang fun kasi feeling ko, talaga namang fun sila, yung mga totoong kontrabida around us. Wala naman talagang black na black sa totoong buhay… so let’s give them the benefit of the doubt din naman—yung mga kapitbahay nating matapobre!” she says.


Kung noon ay parang naiirita si Jaclyn Jose kapag natatanong ng press tungkol sa anak na si Andi Eigenmann, lalo na nung kasagsagan ng mga intriga at kontrobersiya na kinasasangkutan nito, kapansin-pansin ngayon ang pagiging open na ng veteran actress.

Pahayag niya tungkol dito, “Hindi naman sa naiirita... anak ko ‘yon, e, ang sa akin lang, she had too much.

“Buti nga, sa ngayon, pahinga ang tao sa kanya.

“E, ako naman, basta she’s happy, I’m happy.

“And now she’s happy, so I’m happy.”

Humihingi pa ba ng advice si Andi sa kanya?

Sagot ni Jaclyn, “Wala, kaya na niya. Tough ‘yon, parang ako.

“And sa palagay ko, yung lovelife, hindi muna niya kinu-consider ngayon.

“Kasi meron siyang condo sa Wack-Wack na niri-renovate, kailangan niyang ipa-interior.

“Tapos kailangan niya ng sapat na oras para sa anak niya na lumalaki na.

“So, hindi ko nakikita na humahanap siya ng lovelife.

“Siguro ang kanya lang, yung going out, there’s nothing wrong with that.

“Going out with a group or friends or whoever, go!”

Kumusta naman si Andi ngayon?

“She’s okey naman,” sagot ng Kapuso actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang premyadong aktres matapos siyang mag-guest sa Sunday PinaSaya noong Linggo, August 23.



INSPIRATION. Bukod sa kanyang mga anak at apo, saan pa humuhugot ng inspirasyon si Jaclyn para sa kanyang trabaho?

“Sa bills!” natatawang sagot ni Jaclyn. “Sa payments ng mga bills!”

Mahabang panahon na rin siyang walang lovelife, bakit nga ba?

“Wala, e, and hindi ko alam. Gusto, kaya lang wala, e.

“Ayoko namang mamilit, baka akala nila ganun ako sa totoong buhay,” pagtukoy ni Jaclyn sa kontrabida roles na madalas niyang ginagampanan.

Patuloy niya, “Natatakot siguro, alam mo naman ako, mapanindak!

“Inspiration na lang, huwag na munang lovelife... yung meron ka lang ka-date, yung ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



VILLAINESS. Nalilinya ngayon sa kontrabida roles si Jaclyn, gaya na nga lang sa ikalawang Pinoy remake ng Marimar, kung saan bida sina Megan Young at Tom Rodriguez.

Ano ang mas gusto niyang ginagawa—kontrabida o mabait na role?

Pahayag ni Jaclyn, “Favorite ko ang drama kasi iyon ang forte ko… nuances, ganyan.

“Pero nae-enjoy ko ang kontrabida na comedian, I’m adding a twist sa pagku-kontrabida.

“Ginagawa ko siyang fun, kasi feeling ko, talaga namang fun sila—yung mga totoong kontrabida around us.

“Yung mga tao na ganyan, nakakatuwa sila, so iyon ang in-apply ko.”

Alin ba ang mas mahirap sa kanya—mabait na role o kontrabidang karakter?

“Parang kontrabida kasi it exerts too much effort, ang daming movement… lahat gumagalaw.

“Lalo na kung yung in-apply ko nga na medyo comedy na fun kontrabida.

“So, lahat gumagalaw… kilay, katawan, at saka ang daming suot!

“Alam mo, kapag drama lang, naka-T shirt ka lang, palda, tsinelas, no make-up, ayos na, e.

“Dito [Marimar], ang lalaki ng hats. Laylay na nga yung tenga ko sa malalaking hikaw, oo!

“Pero enjoy, e.”

Although komedyanteng kontrabida ang approach niya gaya ngayon sa kanyang character sa Marimar, open pa rin daw si Jaclyn na tumanggap ng straight kontrabida role.

“Scheming, ganun? Black? Okey lang.

“Kaya lang, I feel nung nag-start talaga ako na magkontrabida, nilagyan ko talaga ng twist ng comedy.

“Kasi feeling ko, wala naman talagang black na black sa totoong buhay…

"So let’s give them the benefit of the doubt din naman—ung mga kapitbahay nating matapobre!" tawa ulit ni Jaclyn.



INDIE. Marami na raw silang eksena na nakunan sa Marimar. Ano ang pinakamatinding nagawa niyang pagmamaldita kay Megan?

Sagot ni Jaclyn, “Yung binatukan ko siya, tapos yung isinubsob ko siya.

“Pero meron pang upcoming na susubsob siya sa lupa at pakakainin ng pera na nasa lupa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kontrabida ang role ko sa Marimar, pero I don’t think magiging sobrang hate ako ng viewers.

“Kasi cute naman yung ginagawa ko.”

Bukod sa Marimar, katatapos lang ni Jaclyn na mag-shoot ng isang indie film na idinirehe ni Brillante Mendoza.

“Talagang nakasingit pa ako ng isang indie... hindi pa puwedeng sabihin ang title, e.

“Basta yung istorya ay tungkol sa drug pushing sa isang slum area, at isang drug pusher ang role ko.

“Ang alam ko, pang-international film festival siya.

"Kapag pelikula ni Brillante, ang cater niya sa abroad, di ba?"

Dagdag pa ni Jaclyn, “And nakatapos din ako ng isang mainstream film sa Regal, yung Pre-Nup, that will be showing on October 1.

“Kasama ko naman dito sina Jennylyn Mercado, Sam Milby, si Senator Freddie Webb, Melai Cantiveros, Gardo Versoza, Dominic Ochoa, at saka si Noel Colet.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN