Katrina Halili has no intention to be 'chummy-chummy' with Vicki Belo after apology: "Hanggang doon na lang po yun."

Katrina Halili on saying sorry to Dra. Vicki Belo: “Isa yun sa hindi ko nagawa, yung humingi ng apology sa kanya. Kasi before, parang mas iniisip ko na ako yung nasaktan, ako yung naagrabyado. Pero habang tumatagal, na-realize ko na kaibigan ko yung tao, nasaktan ko siya [Dra. Belo]. Parang ang feeling ko dati, parang ako yung naloko. May ganung thinking ako before. Eventually, na-realize ko na kailangan kong humingi ng tawad sa kanya."


Inamin ni Katrina Halili na nagplano talaga siyang iwan na ang showbiz para mag-aral o pagtuunan ng pansin ang resort inn nila sa El Nido, Palawan.

Ito yung mga panahong gulung-gulo ang mundo niya, wala siyang trabaho, at hindi niya alam kung saan papunta ang giyera nila sa korte ni Hayden Kho Jr.

Pahayag ng Kapuso actress, “Noon yun, may times na ganun, pero ngayon masaya po ako, e.

“Hangga’t may trabaho po ako.

"Pero kung wala, ang next option ko is uuwi talaga ako ng Palawan, or mag-aral ako ng something at magtatayo ako ng business.

“Siguro puwedeng luto or baking, ‘tapos aasikasuhin ko na lang yung ipinagawa namin ng kapatid ko.

“Yun ang next option pag nawalan ako ng trabaho.

“Hindi naman ako magagalit dahil hindi naman talaga ako naghahangad nang sobra-sobra sa career ko.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa birthday dinner ni Angelu de Leon noong Sabado, August 22.



THAT’S IT. May communication pa ba sila nina Hayden at Dra. Vicki Belo matapos silang magkausap-usap at magkaayos na?

Read: Vicki Belo, Hayden Kho, and Katrina Halili bury the hatchet in a private meeting

Sagot ni Katrina, "Siguro hanggang doon na lang po yun.

“Close na, tapos na, siguro hindi na namin kailangan pang maging chummy-chummy.

“Doon na lang siguro yun, kung magkikita kami, magbabatian.

“Para ano pa? Doon na lang yun, that’s it.”

Gaano kalaki ang nabawas o natanggal na pasan sa buhay niya nang nagkapatawaran sila?

Sagot ni Katrina, “Gaano kalaki? Wala na, tapos na yun.

“Isa yun sa hindi ko nagawa, yung humingi ng apology sa kanya.

“Kasi before, parang mas iniisip ko na ako yung nasaktan, ako yung naagrabyado.

“Pero habang tumatagal, na-realize ko na kaibigan ko yung tao, nasaktan ko siya [Dra. Belo].

“Parang ang feeling ko dati, parang ako yung naloko. May ganung thinking ako before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eventually, na-realize ko na kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.

"Medyo tumagal lang... May mga time na inaano nila ako na makipag-usap kay Hayden, ayoko.

“Dini-decline ko, kasi gusto ko si Doktora lang muna ang makausap ko.

“Gusto ko sa kanya ako humingi ng sorry.

"So, nung nalaman ni Doktora na gusto ko, ginawang tatlo na lang kami.

“'O, sige, gusto niyang humingi ng sorry sa akin, hihingi rin ng sorry sa kanya si Hayden…' parang ganun.”

Ngumiti lang si Katrina nang usisain ng PEP kung humingi na rin ng sorry sa kanya si Hayden.

Ano ang naramdaman niya nung nagharap-harap sila?

“Masaya, happy ako.

“Kung makita ko man sila kahit saan, hindi na ako yung iiwas na sana hindi nila ako nakita.

“Ngayon, kung makikita ko sila, okey na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN