Katrina Halili reveals getting an offer from TV5 before

Katrina Halili has modest ambition, she does not aim to be a big star. She says, "Keri lang, give na lang natin sa kanila. Kung darating, bakit hindi? Pero masaya naman ako at nabibigyan ako ng magandang projects, tuluy-tuloy ang trabaho ko, okey na ako doon."


May kasunod nang project si Katrina Halili sa GMA Network matapos ang pagwawakas sa ere ng primetime series na The Rich Man’s Daughter.

Ito ay ang Destiny Rose, isang transgender story na pagbibidahan ni Ken Chen.

Gaganap si Katrina dito bilang third wheel sa pagmamahalan ni Ken at ng Brazilian-Japanese model/actor na si Fabio Ide.

Ang panibagong trabahong ito ang dahilan kung bakit ipinako na ni Katrina sa sarili ang salitang “loyalty.”

Wala raw sa isip niyang lumipat pa sa ibang network.

“Masaya na po ako sa GMA, hindi naman po nila ako pinababayaan,” sabi ni Katrina sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Mula nang magsimula siya sa showbiz noong 2007 at tuwing magtatapos ito kada dalawang taon, lagi naman siyang nire-renew ng istasyon.


NOT CHOOSY. Pero hindi itinanggi ni Katrina na nagkaroon siya ng tsansang lumipat ng ibang istasyon nang matengga siya noon sa trabaho.

“Ah, oo, yung sa TV5,” banggit niya sa Kapatid network na nagkainteres na kunin ang kanyang serbisyo.

Patuloy ng StarStruck alumna, “Nagkaroon po ng parang mag-uusap, e, kinukuha naman ako ng GMA.

“Siyempre, priority ko ang GMA, happy na ako kung nasaan ako.

“Sabi ko nga, basta’t may trabaho ako, okey na sa akin.”

Nabigyan din naman si Katrina na magbida sa isang teleserye, ang Magdusa Ka noong 2008.

Pero tila hindi naman niya pinangarap na maging malaking artista.

Nakangiting sabi ni Katrina, “Wala naman sa isip, hayaan mo na sila, chos!

“Keri lang, give na lang natin sa kanila.

"Kung darating, bakit hindi?

“Pero masaya naman ako at nabibigyan ako ng magandang projects, tuluy-tuloy ang trabaho ko, okey na ako doon.”

Hindi naman daw siya choosy sa projects na ibinibigay sa kanya.

“Parang wala nga akong choice na maging choosy…

“Nagkakataon na magaganda yung ibinibigay nila sa akin,” sabi ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin ang pagiging masaya ni Katrina habang kausap namin.

Sinabi niyang yun ay dahil sa anak niyang si Katrence at patuloy ang trabaho niya.

MARIMAR REMAKE. Samantala, nilinaw ni Katrina na hindi ang role ni Lauren Young sa second Pinoy remake ng Marimar ang ginampanan niya sa version na pinagbidahan ni Marian Rivera noong 2007.

Ang role niya noong Angelika Santibañez ay ibinigay kay Jaclyn Jose, na siyang magkukontrabida ngayon kay Megan Young bilang si Marimar.

Ayon pa kay Katrina, may mga binago sa pagkakaroon ng koneksiyon sa bawat karakter sa bagong version para maiba sa unang ginawa nila.

Nagpahayag naman ng kanyang saloobin si Katrina sa muling pagsasaere ng Marimar.

“Excited ako kasi favorite ko talaga yung Marimar, nakakatuwa lang na ginawa uli siya,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN