OFWs thank Kris Aquino for relaying their concerns over Balikbayan box issue

DOF and BOC on revised measures on balikbayan box inspection: “Idiniin ng Pangulo ang halaga ng Balikbayan box para sa mga pamilyang OFW; ginagamit ito upang arugain ang mga mahal nila sa buhay, at konkretong tanda ito ng kanilang pagmamahal at pag-aasikaso sa kanilang mga kapamilya.”


Tila nagbunga ang pagsisilbing tulay ni Kris Aquino upang maipaabot ang hinaing ng overseas Filipino workers (OFWs) hinggil sa bagong polisiya ng Bureau of Customs.

Kaugnay ito ng random inspection ng Balikbayan boxes upang maiwasan umano ang pagdadala sa bansa ng luxury items nang hindi nagbabayad ng karampatang buwis.

Ngunit inalmahan ito ng OFWs dahil na rin sa karanasan nila kung saan kinukumpiska diumano ng opisyales ng BOC ang laman ng Balikbayan boxes kahit walang sapat na basehan.

Bilang tugon, ito ang pahayag ni Kris sa isang bahagi ng kanyang Instagram post noong Sabado, August 22:

“To all the OFWs & relatives/friends of our OFWs, I already forwarded your concerns w/c you very clearly stated on my thread in my previous post to those in a position to not only address them but hopefully study, clarify, and act on policies that have a direct impact on you, your sacrifices, and your love for family that motivates not just you, but all of us to work hard.”

Read: Kris Aquino responds to OFWs' concern about Balikbayan box

Hindi man tuwirang binanggit ni Kris kung sino ang tinutukoy niyang government officials na maaaring tumugon sa hinaing ng OFWs, malinaw na kabilang dito ang kapatid niyang si President Benigno “Noynoy” Aquino III.



NO MORE RANDOM INSPECTION. Lunes ng gabi, August 24, nailathala sa Official Gazette na ipinatigil ni PNoy ang panukala ng BOC na magkaroon ng random inspection ng Balikbayan boxes, maliban na lang kung may nakitang ipinagbabawal na items base sa X-ray at K-9 examinations.

Ito ay matapos makipagpulong si PNoy kay Finance Secretary Cesar Purisima at BOC Commissioner Alberto Lina kahapon.

Nabanggit din na kung kinakailangan ang pisikal na inspeksiyon, maglalaan ng CCTV monitoring sa lugar ng inspeksiyon at magtatalaga ng kinatawan mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) o kaya naitalagang opisyal mula sa isang OFW Association para saksihan ang proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa sa official statement ng Malacañang hinggil dito: “Idiniin ng Pangulo ang halaga ng balikbayan box para sa mga pamilyang OFW; ginagamit ito upang arugain ang mga mahal nila sa buhay, at kongkretong tanda ito ng kanilang pagmamahal at pag-aasikaso sa kanilang mga kapamilya.”

Kaugnay nito, dumagsa ang pasasalamat ng OFWs pagtulong ni Kris upang makarating sa pamahalaan ang kanilang saloobin.

Narito ang ilan sa mga mensahe ng OFWs base sa comments nila sa Instagram account ni Kris ngayong Martes, August 25:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN