Sec. Kiko Pangilinan survives “horribly difficult year”; gets birthday greeting from stepdaughter KC Concepcion

Secretary Kiko Pangilinan describes the past year as “very, very tough.” He posted on Instagram: “Sometimes I get the sense that I get more than my fair share of trials and tribulations and ask myself why is this so.”


Ipinagdiwang ni Secretary Francis “Kiko” Pangilinan ang kanyang ika-52 kaarawan, kahapon, August 24.

Binati siya ng kanyang stepdaughter na si KC Concepcion sa pamamagitan ng Instagram.

Kalakip nito ang family picture nilang mag-anak; kabilang ang maybahay ng kalihim na si Sharon Cuneta at kanilang mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel.

Ang birthday message ni KC sa kanyang “Daddy Kiko”: “May God give u a quantum leap season where all the desires of ur heart are granted.”

Samantala, sa kanya namang Facebook account ay inilarawan ni Kiko ang kanyang nakaraang taon bilang “a very, very tough year.”

Ipinahayag ng kalihim ng Presidential Assistant for Food Security Security and Agricultural Modernization na napakabigat ng kanyang nakaraang taon at naramdamang nagkaroon ng mga pagsubok na higit pa sa makakayanan niya.

Simula ng kalihim, “To all of you who took time out from your busy schedules to send me birthday greetings, maraming salamat!

“It’s been a very tough year that just passed, a very, very tough year. But lo and behold…I am still here, alive and kicking, so to speak. I have managed to survive without losing my soul.

“Indeed it has been one horribly difficult year, this 51st.

“Sometimes I find myself saying that life isn't fair and I wishing that the universe spreads the difficulties, the hardships and the trials more evenly. Sometimes I get the sense that I get more than my fair share of trials and tribulations and ask myself why is this so.”

Hindi naman nagdetalye si Kiko kung anu-ano ang mga tinutukoy niyang mabibigat na pagsubok.

Noong 2014, dumaan sa isang pagsubok ang pamilya ni Kiko nang pumanaw noong November 5 ang ina ni Sharon na si Mommy Elaine Cuneta.

Read: Sharon Cuneta's mother Elaine Cuneta dies; KC Concepcion mourns death of grandmom

Naging laman din ng mga balita ang pagkakaroon ng 'di pagkakaunawaan ng mag-inang Sharon at KC noong Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Sharon Cuneta expresses disapproval of daughter KC Concepcion’s “unnecessary too-sexy poses”

Bilang pangwakas, sinabi ni Kiko ang pagkakaroon ng pananampalataya upang makayanan niya ang mga pagsubok sa buhay.

“I then recall the passage 'to whom much is given, much is required'. I pause for a moment, take a deep breath and carry on with the work and the tasks and responsibilities at hand.

“We simply do what we must because we believe. With all my heart I believe in marriage, family, our God, in our country and our people.”

To all of you who took time out from your busy schedules to send me birthday greetings, maraming salamat! Its been a...

Posted by Kiko Pangilinan on Monday, August 24, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN