Susan Roces says Julia Montes and Coco Martin remind her of stars from her generation

Susan Roces on why she likes Julia Montes and Coco Martin: "They took an interest in talking to me. Asking me how it was before. Interesado sila."


Kabilang ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces sa celebrities na dumalo sa premiere showing ng first week ng bagong ABS-CBN afternoon series na Doble Kara, noong Linggo ng gabi, August 23, sa Trinoma Cinema.

Hindi kasama sa cast si Susan, pero sumuporta siya sa bida ng teleserye na si Julia Montes.

Pahayag ng veteran actress, “Magkasama kami nina Julia at ni Coco [Martin] sa Walang Hanggan.

"Then, nagkasama kami uli sa Muling Buksan Ang Puso.

“So, we belong to the same Deo [Endrinal, Dreamscape entertainment head] group.

“We’re like family. We support each other.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Susan sa Bigoli Resto, Trinoma Cinema, bago siya pumasok sa sinehan para manood ng Doble Kara.

SAME WAVELENGTH. Ayon sa maybahay ng yumaong si Fernando Poe Jr., natatangi sa puso niya sina Julia at Coco.

“Among all the stars na nakasama ko, they went out of their way [to ask me questions].

“Siguro, pareho ang mga gawi namin.

"They took an interest in talking to me, asking me how it was before. Interesado sila."

Ano ang masasabi ni Susan sa pagiging artista ni Julia?

Sagot niya, “Julia reminds us of our generation.

"She reminds us of actors and actresses during our time."

Si Susan ay dating contract star ng Sampaguita Pictures noong dekada '60.

Patuloy niya, "Coco and Julia, mas nakaka-relate kami sa kanila...

“Naging close ang aming ties when we were taping.

"I think that was the start of their [Julia and Coco’s] team-up sa Walang Hanggan.

"Eventually, when I was doing Muling Buksan Ang Puso, ang nakasama ko si Julia. Wala si Coco.

“Ngayon, sa Probinsyano, wala si Julia. Si Coco lang.”

Ang Ang Probinsyano ay ang TV remake ng dating pelikula ni FPJ, kung saan si Coco ang bida at kasama rin sa cast si Susan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEED FOR ORIGINALITY. Nang mabanggit ang bagong TV project ni Coco, nagkomento ang beteranang aktres sa posibleng pagdaanan ng aktor, lalo’t baka hanapin sa kanya ang karakter ni FPJ sa movie version ng Ang Probinsyano noong 1997.

Pahayag ng biyuda ni FPJ, “[There is] no intention to copy FPJ.

"The inspiration to do an action teleserye was from [the makers of] Probinsyano.

“Para maiba naman yung gagawin ni Coco, hindi yung puro love story, o yung away-away.

“He’s reached the peak, e.

"Tamang-tama, ABS got the rights to show all of Ronnie’s [FPJ] movies [for] free TV. Kaya it’s okay na gawin nilang teleserye.”

Paano kung hanapin ng fans ni FPJ ang karakter nito kay Coco?

“Wala namang mababago. Mas napapaganda pa nga.

"Of course, hindi naman tatanggapin kung biglang magkakaganyan [sabay muwestra ni Susan ng FPJ trademark pose] si Coco.

“Kaya sabi ko, ‘Coco, hindi mo siya [FPJ] kailangang gayahin.”

Kung hindi si Coco ang ipinagkatiwala sa role, ibibigay pa ba rin ni Susan ang basbas sa pagsalin ng Ang Probinsyano sa TV?

Tugon niya, “Oo naman, bakit naman hindi?

"Lalo na at ABS... In fact, noong ginawa ni Jericho [Rosales] ang Panday [another FPJ movie], ganun din ang sabi ko kay Jericho, 'You don’t have to copy him [FPJ].'

"Maski si FPJ, when Ronnie did Epimaco Velasco [a film based on the story of the former NBI head], hindi naman niya ginaya si Epimaco.

“Nagkukuwentuhan nga kami ni Eddie Garcia, yun din ang sabi niya, 'I did many true-to-life stories. Hindi mo puwedeng gayahin, e.'”

Wala pa raw eksaktong date kung kailan ipalalabas sa ere ang Ang Probinsyano ni Coco. Nagbabangko pa raw ng maraming episodes para rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN