Derrick Monasterio wants to enter politics: "Papasok po ako nang may pera ako, para iyon ang gagamitin kong pantulong."

Derrick Monasterio feels bad about spending four hours in traffic whenever he leaves his place in Quezon City to go somewhere.


Bilang ambassador ng National Youth Commission (NYC), dumalo si Derrick Monasterio sa 4th General Trias Youth Leaders Summit na ginanap sa Lyceum of the Philippines, Cavite campus, noong August 20.

Pahayag ng Kapuso young actor, “Gusto ko may matutunan sila [ang mga kabataan] sa akin, ma-inspire ko sila 'tsaka may mapulot silang aral sa akin.

“So, I’ll be their guest speaker.

“Basically, my speech is all about education and how to be a good role model to others.”

Ano ang ginagawa ni Derrick upang maging good role model sa mga kabataang tulad niya?

"Siguro ano lang, huwag kang gagawa ng mga hindi moral... kumbaga, ng hindi fundamentally moral. Naks!” medyo natawang sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Inamin ni Derrick na papasukin niya ang pulitika sa tamang panahon.

“Magpo-politician po ako!

“As early as now, iyon ang gusto ko.

“Kaya nga po happy ako. Masaya ako pag may mga ganitong pagkakataon, kasi napa-praktis ako,” pagtukoy niya sa pagiging special guest niya sa naturang summit.

CORRUPT POLITICIANS. Aware naman siguro si Derrick na ang tingin ng publiko sa ilang pulitiko ay magnanakaw at corrupt.

Pahayag niya tungkol dito, “Ganito po kasi 'yan... Papasok ako ng politics, mayaman na ako.

“Kasi, pag wala akong pera, ang tendency magnanakaw ako.

“So, papasok po ako nang may pera ako, para iyon ang gagamitin kong pantulong.

"Yung makukuha kong budget, gagamitin ko talaga for projects.

"Kasi naniniwala ako sa ano, e, na talagang malakas ang tsansang manalo ng sincere na politician, yung malinis talaga ang intensiyon para sa bayan."

Pero aware din ba si Derrick na may mga pumapasok sa pulitika na mayaman at malinis ang intensiyon, pero natutukso at natututo ring maging corrupt?

Saad ng 20-year-old actor, “Well, kasi nasa sistema 'yan, e.

"Yung pagnanakaw na 'yan, kumbaga, pag hindi ka nagpagamit, kumbaga wala ka sa sistema, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ang pinaka-best way diyan is, kumbaga, eighty percent for the project, tapos twenty lang yung kukunin mo.

“Kasi ang nangyayari dito, twenty sa project, eighty yung kinukuha, di ba?

"Kasi mukhang mahirap iwasan talaga, e, di ba?

“Tsaka baka mamaya ipapatay ka pa ng mga ano pag hindi ka umano, di ba? Mahirap din, magulo nga, pero…”

Sang-ayon ba si Derrick na dapat huwag itong sobrang bulgaran?

“Yeah, i-minimize nila. Kasi meron akong mga kilalang politician na ganyan, e.

"Pero sobrang visible yung project niya, napaganda nila yung lugar na hinahawakan nila, di ba?

“Tapos yumaman sila at the same time, so talagang masasabi mong, ‘Ay ano ito…’”

Na may kinuha man ay nakatulong pa rin?

“Nakatulong pa rin 'tsaka gumanda ang buhay ng mga tao.

“Hindi yung kumuha ka, nagnakaw ka, tapos naghirap yung mga tao.

“Iyon yung mali.”

Step-by-step daw ang plano ni Derrick na pagpasok sa pulitika.

“Siguro una muna as councilor sa District 3, sa Quezon City [QC].

“Kapag naging councilor na ako, gusto kong may mapatunayan na agad sa kanila, so marami akong gagawing mga projects.

“Pag nakita nila yun, I’m sure magtitiwala sa akin ang mga tao.”



TRAFFIC PROBLEM. Bakit nais pasukin ni Derrick ang mundo ng pulitika?

Paliwanag niya, “Feeling ko, may ganun akong talent, kumbaga.

“Tsaka personally, naba-bad trip na rin ako sa lugar namin sa QC kasi pag pupunta ako sa isang lugar, parang mga apat na oras bago ako makarating dahil sa sobrang traffic.

“Alam mo yung mga social problems lang natin na ganun?

“Gusto ko lang baguhin.”

Twenty years old si Derrick ngayon. Nag-aaral siya ng Legal Management sa San Beda College.

Sa 2019 daw plano ni Derrick sumabak sa pulitika.

“Yeah probably, or pag natapos ko na yung studies ko.

"Or pag naging successful ako sa showbiz career ko. Or siguro next term.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko nga po yumaman muna ako para hindi nila sasabihing wala akong pera, tapos biglang nagkaroon ako ng pera nung pumasok ako sa pulitika.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN