Regine Velasquez catches the AlDub fever: "Actually, bagay silang dalawa..."

Asia's Songbird Regine Velasquez on Alden Richards and Yaya Dub: “Walang susuko. Kapag tunay ang pagmamahalan, mangyayari rin ‘yan.”


Nahawa na rin ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa lumalaganap na “AlDub Fever.”

Aminado si Regine na nag-e-enjoy siyang panoorin ang mga kaganapan sa KalyeSerye ng Eat Bulaga!, kung saan tampok ang loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala bilang Yaya Dub.

“Nagkakagulo ang sambayanang Pilipinas dahil sa AlDub,” sabi ng Asia’s Songbird sa panayam sa kanya ng 24 Oras na umere ngayong gabi, August 25.

Masaya rin daw ang singer-actress sa tinatamasang popularidad ngayon ni Alden at maging ni Maine.

Nakasama ni Regine si Alden sa defunct programs na Sunday All Stars at Bet Ng Bayan.

Aniya, “I am so happy for Alden.

“Natutuwa ako kay Maine… actually ang ganda-ganda niya, nagpapapangit lang siya.

“Actually, bagay silang dalawa ni Alden.”

Ikinuwento rin ni Regine kung gaano napapasaya ng KalyeSerye at ng AlDub loveteam ang anak niyang si Nate.

“Nakakatawa yung anak ko kasi involved siya.

“Kilala niya kasi si Alden. Tawag nga niya, 'Kuya Alden.'

“Ikinuwento niya, ‘Si Yaya Dub, Mommy, nagsakay siya ng jeep tapos naghawak siya, kasi puno na yung jeep!’” tawa ni Regine.

Payo naman ng Songbird kina Alden at Yaya Dub: “Walang susuko. Kapag tunay ang pagmamahalan, mangyayari rin ‘yan.”

STARSTRUCK JUDGE. Samantala, isa si Regine sa uupo bilang judge sa nalalapit na pagbabalik ng original reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck.

Nasubaybayan daw ni Regine ang past seasons ng StarStruck at alam niya ang hirap na pinagdaraanan ng contestants nito.

Aniya, “Marami silang pinagdadaanang pagsubok, mga challenges.

“Literally, alam ko tsina-challenge ang mga contestants.”

Gusto na raw makita ni Regine ang puwedeng ipagmalaki ng napiling 35 official contestants ng StarStruck 6.

“Ang gaganda nila, ang babata. Hindi ko pa nakikita yung kaya nilang gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN