JM de Guzman clarifies rumor that his relationship with Jessy Mendiola is on the rocks

JM de Guzman on trying his best not to repeat his mistakes : “It’s a lifelong struggle pa rin po siya, and I’m still meeting with doctors and sa family ko, may mga counselling din po ako. Pero sa ugali, binabantayan ko na huwag sanang bumalik. Na nagiging mainit ang ulo, reactor or ano…”


Binigyang-linaw ng Kapamilya actor na si JM de Guzman ang kumakalat na balitang nagkakalabuan diumano sila ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola.

Pinagtatakhan kasi ng ilang followers nila sa social media kung bakit matagal nang hindi nagpu-post sa kanyang Instagram account si Jessy ng mga larawan na magkasama sila ni JM.

Kasabay pa nito, madalas din ang pagpu-post ni Jessy ng ilang makahulugang quotes na inakala ng ilan ay patungkol sa estado ng relasyon nila ng aktor.

Sa special screening ng bagong teleserye ni JM sa ABS-CBN, ang All of Me, sa SM Megamall, kahapon, August 25, inusisa siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Pagtanggi ng aktor, “Hindi… mahilig lang mag-quote [si Jessy] ng mga songs talaga.

“Ever since, kahit nililigawan ko pa lang siya, yung mga quotes niya sa kanta.”

Wala naman silang pinagdadaanang problema ni Jessy?

Sagot ni JM, “Meron din naman po.

“Yun siyempre, she expects a lot from me, minsan hindi ko naibibigay.”

Napi-pressure siya sa expectations ni Jessy sa kanya?

Sabi ni JM, “Mahal ko siya.

“Minsan, nararamdaman mong kailangan bang ganyan, ganito ba dapat.

“Pero kung mahal mo… kesa naman mawala sa ‘yo ulit.”

Yung dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, tapos na ba sila doon? Naayos na ba nila ito nang nagkabalikan sila?

Aniya, “Like, yung bagay, gawain?

“It’s a lifelong struggle pa rin po siya, and I’m still meeting with doctors and sa family ko, may mga counselling din po ako.

“Pero sa ugali, binabantayan ko na huwag sanang bumalik.

“Na nagiging mainit ang ulo, reactor or ano…”

Ano ang kaibahan ng relasyon nila ngayon ni Jessy kumpara noong bago sila mag-break at dumaan siya sa ilang pagsubok?

Sabi ni JM, “Dati po, naka-focus kami sa baka mawalan kami ng trabaho kung magpo-focus kami sa relasyon.

“Ngayon, meron na kaming pinapahalagahan o iniingatan na intimate…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung sa amin lang, binibigyan na namin ng importansiya yun at kumbaga, naiintindihan na namin, mature na, parang ganun.”

Iginiit ni JM na okey sila ni Jessy. Nagkausap pa nga raw sila bago ang special screening ng All of Me.

“Nag-good luck pa nga siya,” nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN