Chito Miranda reveals wife Neri Naig suffered a miscarriage

Chito Miranda on wife Neri Naig's miscarriage: "Sobrang sakit para sa amin at sobrang hirap ng pinagdaanan namin lalo na para kay Neri."


Kinumpirma ng Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda, 39, na nakunan ang misis niyang si Neri Naig, 29, ilang buwan na ang nakararaan.

Matatandaang May 27 nang ibahagi ni Chito ang pregnancy test result ni Neri, kung saan nakasaad na “two to three weeks” na itong nagdadalantao.

Read: Neri Naig pregnant with first child with husband Chito Miranda

Sa Instagram post ni Chito ngayong Miyerkules, August 26, ibinahagi nitong hindi nila agad isinapubliko ang tungkol sa pagpanaw ng dapat sana’y una nilang anak.

“It is true that we lost our baby a few months ago.

“Pinili lang namin na wag na lang pag-usapan publicly kasi it was something that we'd rather deal with privately kasi sobrang sakit para sa amin at sobrang hirap ng pinagdaanan namin lalo na para kay Neri,” pahayag ni Chito.

Sa kabila nito, nananatiling matatag ang samahan ng mag-asawa dahil sa pagsubok na dumating sa kanilang buhay.

Masaya ring ibinahagi ni Chito ang larawan ni Neri kung saan makikitang nakangiti ang aktres.

“But inspite of everything, Neri chose to remain positve, fighting through her depression.

“That's how strong my wife is.

“Being strong doesn't mean that one has the ability to feel no pain. Being strong means being able to fight through pain no matter how difficult things get.

“I love you Ms.Neri!”

Mag-iisang taon nang kasal sina Chito at Neri sa December 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN