Watch Now

Albert Martinez still struggling to cope with wife Liezl's death

by Melba R. Llanera
Aug 26, 2015
Albert Martinez on their family's first Christmas without Liezl: "It will be our first Christmas [without Liezl], so we don’t know. We don’t talk about it, pero alam ko na pag natitigilan kaming mag-aama, I can sense na yun din ang greatest fear ng lahat."

Mahigit limang buwan na ang nakararaan mula nang pumanaw ang misis ni Albert Martinez na si Liezl dahil sa breast cancer.

Read: Liezl Martinez dies at 47

Pero hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin daw ng aktor na makapag-move on mula sa pagkawala ng kanyang asawa.

“It’s a question I’ve been asked many times over, pero it’s a question I really can’t answer ‘coz I really don’t know.

“It’s a long process. Ang ginagawa ko na lang is baby steps…

“I hope, with my time with my kids... I get my energy and strength from them.

“I’m going through life in a day-to-day basis and I’m glad na nakagawa ako ng isang project like All of Me.

“It helped me a lot, it helped me through the process.

“Kasi yung narrative nito, very close to home.”

Sa istorya kasi ng bagong teleserye ng ABS-CBN na All of Me, ang gumaganap na asawa ni Albert dito na si Ina Raymundo ay namatay dahil sa sakit na cancer, na kapareho ng ikinamatay ni Liezl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ng aktor, “Napakalapit na minsan nga naiisip ko, ‘Sinadya nila kaya talaga yun o baka ganun talaga ang nangyari?’

“That’s the first question na tinanong ko sa production, ‘Sinadya niyo ba na gawing ganito?’

“Sabi nila, 'Hindi ho, Sir, two years ago po ang kuwento na ‘yan.'

“Natabunan and then bini-visit nila yun.

"Then they realized it’s a good material and they presented it to me.

“Nung prinesent nila sa akin, ‘What a beautiful material!’

“That’s why I signed up right away.

“Probably I needed it. Probably nung time na yun, it gave me a moment nung ginagawa ko ito.

“Somehow, yung pressure ng dibdib ko, medyo naibsan nang kaunti.

“Honestly, during that time, up to now actually, it’s still painful.

“Pero nung ginawa namin yun, nagkaroon ako ng lighter moment.”

Kumusta naman ang tatlo nilang anak ni Liezl na sina Alyanna, Alfonso, at Alynna?

Saad ni Albert, “I’m sure kung anuman ang pinagdadadaan ninyo, pinagdadaanan din namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang kinatatakutan namin… yun, Christmas.

“It will be our first Christmas [without Liezl], so we don’t know.

“We don’t talk about it, pero alam ko na pag natitigilan kaming mag-aama, I can sense na yun din ang greatest fear ng lahat.

“This Christmas, alone na kami.”

Read Next
Read More Stories About
Albert Martinez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albert Martinez on their family's first Christmas without Liezl: "It will be our first Christmas [without Liezl], so we don’t know. We don’t talk about it, pero alam ko na pag natitigilan kaming mag-aama, I can sense na yun din ang greatest fear ng lahat."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results