Jeric Gonzales satisfied with ‘slowly but surely’ career path

Masaya raw ang Protégé winner na si Jeric Gonzales kahit dahan-dahan lang ang usad ng kanyang showbiz career. Katatapos lang niya sa teleseryeng Pari ‘Koy at nakatakda naman siyang lumabas sa bagong GMA show na Destiny Rose.


Hindi naman daw naiinip si Jeric Gonzales sa dahan-dahang pag-usad ng kanyang showbiz career.

Si Jeric ang male grand winner ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break noong 2012; ang nanalo sa mga babae ay si Thea Tolentino.

Pahayag ng Kapuso young actor, “Honestly, hindi naman kasi nagkukulang sa akin ang GMA.

"Katatapos ko lang sa Pari ‘Koy, so hindi ako naiinip."

Marami raw siyang natutunan sa Pari 'Koy na magagamit niya sa mga susunod niyang proyekto.

Sabi ni Jeric, “Yung nakasama ako sa mga projects na talagang maganda naman, katulad nung Pari ‘Koy, nakasama ko si Dingdong Dantes, so marami akong natutunan along the way.

“Sa pag-arte, kailangan talagang professional.

"Kapag nasa set ka, dapat naka-focus ka.

“Alam mo yung mga mangyayari, tapos nagtutulungan kayo as an actor.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa birthday charity event ng GMA Artist Center kahapon, Martes, August 25, sa White Cross Children’s Home, San Juan City.

Kasama ni Jeric sa selebrasyon ang kapwa niya August celebrants na sina Thea Tolentino, Mona Louise Rey, at Miggs Cuaderno.



DESTINY ROSE. Pagkatapos ng Pari 'Koy, mapapanood si Jeric sa bagong panghapong teleserye ng GMA na Destiny Rose, na magsisimula sa Setyembre.

Gagampanan niya ang role ni Vince, ang kababata at first love ng bidang si Ken Chan.

Ang Destiny Rose ay tatalakay sa buhay ng isang transwoman na gagampanan ni Ken.

Ayaw pang sabihin ng 23-year-old Kapuso talent kung may kissing scene ba sila ni Ken sa teleserye, pero abangan na lang daw ang nakakakilig nilang eksena.

Sa totoong buhay ba ay niligawan na siya ng isang bakla?

Nakangiting pagtanggi ni Jeric, “Ay, wala naman, wala naman.

“Hindi kasi ako malisyosong tao, e, kung ano sila, may respect ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN