Ella Cruz admits going out with Bret Jackson; confirms diamond necklace was birthday gift from him

Ella Cruz on relationship status with Bret Jackson: “Wala pa naman. Hintay-hintay muna. Masyadong mabilis.”


Kinumpirma ni Ella Cruz na “lumalabas-labas” sila ng napapabalitang nanliligaw sa kanya ngayon na si Bret Jackson.

Ngunit nilinaw ni Ella na palagi niyang kasama ang kanyang ina at mga kaibigan sa group dates nila ni Bret.

“Sabi niya, dating; sa akin, hangout-hangout lang. So, yun, lumalabas-labas kami,” pahayag ng 19-year-old actress.

May love advice bang ibinibigay sa kanya ang ina?

Sagot ni Ella, “Wala, ano lang naman si Mama, supportive naman. Tsaka kapag lumalabas kami, kasama ko rin naman si Mama.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ella sa presscon ng TV5's Wattpad Presents Bebeng Pabebe Meets Super Jiro, na ginanap sa Max’s Restaurant, Miyerkules ng gabi, August 26.

Ayon sa young actress, wala pa silang pormal na relasyon ni Bret dahil gusto niyang makilala muna nang husto ang Fil-Am actor.

“Wala pa naman. Hintay-hintay muna. Masyadong mabilis.”

Nagkakilala sina Ella at Bret nang maging magkatambal sila sa Wattpad Presents Hot and Cold noong Mayo.

Mula noon ay naging kapansin-pansin ang pagkakamabutihan nila, lalo pa’t madalas mag-post si Bret ng larawan nila ni Ella sa Instagram account ng dating Pinoy Big Brother teen housemate.

Happy Birthday �"️

A photo posted by Bret Jackson II (@bret.jackson) onAug 16, 2015 at 8:27am PDT

BRET'S BIRTHDAY GIFT TO ELLA. Nang magdiwang ng kanyang 19th birthday si Ella noong nakaraang linggo, naging kapansin-pansin ang suot na diamond necklace ng aktres sa Instagram posts ni Bret.

Ayaw pa sanang aminin ni Ella nang tanungin siya ng PEP tungkol dito, ngunit sa huli ay kinumpirma niyang si Bret nga ang nagbigay sa kanya nito.

“Oo, ibinigay niya po nung birthday ko,” pag-amin ng dalaga.

💎

A photo posted by Ella Cruz 💋 (@itsellacruz) onAug 17, 2015 at 8:02am PDT

Plus pogi points para kay Ella ang pagiging “caring” ng 24-year-old actor pati na rin ang “effort” nito na “every day nagti-text.”

Dagdag pa ni Ella patungkol kay Bret, “Nakikita ko naman na seryoso siya, wala naman ibang girl na nilalapitan. So, ewan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ang tamis ng pagkakangiti at pananalita ni Ella ang pagbabasehan, hindi maikakaila na may gusto rin siya kay Bret.

Gayunman, umiwas pa rin ang young actress nang tanungin siya kung may pag-asa si Bret sa panunuyo nito sa kanya.

Paliwanag ni Ella, “Alangan sabihin ko oo, e, di sana sinagot ko na agad.

“Tingnan natin. Medyo chill lang muna, take it slow.

"Kasi medyo busy rin naman ako sa halos sunud-sunod na schedule ko, tapos siya rin.

“Tsaka kakakilala pa lang namin nung Wattpad. So, gusto ko muna makilala siya, yung mga friends niya.

"So, dahan-dahan lang muna."

Kung saka-sakali, si Bret ang magiging first boyfriend ni Ella.

OPPOSITES ATTRACT. Mayroon ba siyang non-negotiables pagdating sa lalaking mapupusuan niya?

Saad ni Ella, “Para sa akin, wala naman bilang bago, bilang first kung sakali, wala pa akong idea sa mga ganyan-ganyan.

“Gusto ko lang enjoy, huwag masyadong seryoso.

"Kasi baka kapag sineryoso, masyadong masaktan.

"Kasi ganyan naman talaga ang mga bagay-bagay."

Kung anu’t ano man, masaya si Ella na nagkakasundo sila ni Bret sa kabila ng pagkakaiba nila ng ugali.

“Meron kaming pagkakaparehas. Pareho kaming mahilig kumain ng Korean food.

“Pero usually puro opposites—siya tahimik, ako madaldal.

"Matangkad siya, ako tama lang. Siya marunong kumanta, ako hindi.

“Kasi yung pagiging madaldal ko, maraming nagsasabi nakakatuwa raw, so feeling ko dun siya natuwa.”

Read: Ella Cruz admits having an "English Only Please" moment with Bret Jackson


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN