Ina Raymundo seriously considering posing for FHM for the first time

After 15 years of hemming and hawing, Ina Raymundo may just take up FHM's repeated offers to be a cover girl: "I’m turning 40 in December… bata pa lang ako, ang first na pinaka-saying na natutunan ko ay life begins at 40. We’ll see, tingnan natin.”


Sa kabila ng malapit na siyang mag-40 years old at lima na ang kanyang anak, parang dalaga pa rin ang kaseksihan ng aktres na si Ina Raymundo.

Reaksiyon niya rito, “Nakakakilig, and the more I want to work out.

“I wanna inspire... Lalo na sa Instagram, kapag nagku-comment sila, I feel so good.

"It inspires me more to go to the gym.

"Kasi, I really want to inspire and be inspired.

“So, they’re inspiring me to inspire.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ina sa special screening ng bagong ABS-CBN drama series na All of Me, noong Lunes, August 24, sa SM Megamall.

FHM COVER GIRL. Kahit nakilala bilang sexy star si Ina noong mid hanggang late '90s, hindi pa pala siya nagpu-pose o nagiging cover pictorial para sa men’s magazine na FHM.

Pero ayon kay Ina, matagal na siyang nililigawan ng mga taga-FHM na maging cover girl.

Kuwento ng aktres, “Alam mo ba, ang FHM, fifteen years in the making talaga.

"Since 2000 pa lang, dapat magpi-pictorial kami.

“Bigla akong hinika... hikain kasi ako, I’m asthmatic.

“Hindi natuloy, then siyempre nag-asawa na ako, nabuntis na ako.

"Palagi silang nag-a-ask kung ready na ba ako, e, hindi pa talaga ako ready.

“Tapos ‘eto, may offer ulit... I’m thinking about it.

“What do you think, should I do it?”

Pero dugtong niya, “Basta classy...

"Actually, payag ang asawa ko.

“Whenever FHM asks me, I ask him if it’s okay, and his answer was always yes.

“Ako yung nag-stop, sarili ko ang nag-stop.”



MAYBE THIS YEAR. Inamin ni Ina na mukhang papayag na siya mag-pictorial para sa FHM sa pagkakataong ito.

Sa katunayan, nagkaroon na raw siya ng meeting sa staff ng FHM.

“First step na yun, di ba? So, we’ll see, we’ll see.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They showed me the peg and I liked it, and they’re willing to adjust for me naman.”

Ano’t tila may apprehension pa siya na maging cover ng FHM?

Paliwanag ni Ina, “I’m just afraid, you know, I just don’t wanna go back sa path na ginawa ko before.

"Kasi kahit sa sarili ko, graduate na ako sa ganyan.

“But I’m turning 40 in December…

"Bata pa lang ako, ang first na pinaka-saying na natutunan ko ay 'life begins at 40.'

“Tumatak yun sa utak ko... I don’t know if you may call it na life begins at 40.

“I wanna do something different or something big when I turn 40, I don’t know kung ano yun.”

Posible kayang ngayong taon na yun mangyari?

“We’ll see, tingnan natin,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN