Chito Miranda clarifies: “Never nagpa-interview si Neri re her miscarriage.”

“Nagalit ako kasi the initial news re her miscarriage felt heartless and insensitive. It made me want to hunt down the one who reported it," says Chito Miranda on news report about his wife Neri Naig's miscarriage.


Dismayado si Chito Miranda sa isang report tungkol sa pagkakunan ng kanyang asawang si Neri Naig.

Kasunod ng pagkumpirma ng bokalista ng Parokya ni Edgar sa balitang nakunan si Neri kamakailan, naglabas naman siya ng tila sama ng loob sa mga naunang nagbalita tungkol dito.

Sa kanyang Twitter account kahapon, August 26, sinabi ni Chito na walang anumang exclusive interview ang kanyang asawa tungkol sa pagkalaglag ng dapat sana'y unang anak nila.

Never nagpa-interview si Neri re her miscarriage. During a presscon for a new show, the reporters were told not to ask about her pregnancy.

— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) August 26, 2015

Ang tinutukoy marahil ni Chito ay ang exclusive interview diumano ng isang entertainment website kay Neri na may titulong: “EXCLUSIVE: Neri Naig: ‘I lost my baby two months ago’”

Sa artikulo, ang tanging sinabi ni Neri ay: "Well, I lost my baby two months ago."

Pagkatapos nito, puro na tungkol sa pagkakabilang niya sa teleseryeng All of Me ang mga sinabi ni Neri.

Kaya naman nilinaw ni Chito, “Neri didn't want to talk about it, still, she was asked by a reporter and had to answer truthfully because it was the courteous thing to do.”

Neri didn't want to talk about it, still, she was asked by a reporter and had to answer truthfully because it was the courteous thing to do.

— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) August 26, 2015

Kasunod nito, ipinaliwanag ni Chito kung bakit ganito na lamang ang reaksiyon niya.

Nagalit ako kasi the initial news re her miscarriage felt heartless and insensitive. It made me want to hunt down the one who reported it.

— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) August 26, 2015

Anyway, hinayaan ko na lang kasi I believe that it is always better to take the high road. :)

— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) August 26, 2015

Read: Chito Miranda reveals wife Neri Naig suffered a miscarriage


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN