Vilma Santos proud of her legacy as a public servant: "I must have done something good."

Governor Vilma Santos on her decision not to run for vice president: "Nothing will change my mind because I am not prepared for that. It is not what I envisioned and I’m not interested. Kapag hindi ako naka-focus dun, hindi ako magiging effective. Kasi hindi ko maibibigay ang puso ko. Hindi ako inspirado diyan."


Labinwalong taon na ang Star For All Seasons si Vilma Santos bilang isang public servant.

Nagsimula siya bilang mayor ng Lipa City (1998-2007) at nanunungkulan siya ngayon bilang gobernador ng Batangas (2007-2016).

Aminado si Vilma na hindi nawawala sa kanya ang pagnanais na makagawa ng pelikula at nami-miss niya ito, kaya naman paminsan-minsan ay gumagawa rin siya ng pelikula.

Mula nang pumasok siya sa pultika noong 1998 hanggang ngayon ay nakapitong pelikula ang Star For All Seasons: Bata, Bata Paano Ka Ginawa (1998), Anak (2000), Dekada ’70 (2002), Mano Po 3 My Love (2004), In My Life (2009), The Healing (2012), at Ekstra (2013).

Ngayon ay may ginagawa ulit siyang pelikula para sa Star Cinema, kasama sina Angel Locsin at Xian Lim, at nakatakda itong ipalabas ngayong 2015.

Pero iginiit ni Vilma na prayoridad pa rin niya ang lalawigan ng Batangas.

Saad ng actress-politician, “Nami-miss ko [ang pag-arte], kapag nakikita ko ang mga dati kong kasama.

“E, whether we like it or not naman, dito naman ako nanggaling. This is home for me.

“But I truly appreciate being a public servant, iba naman ang fulfillment nun, that is reality.

“Yun naman, e, medyo legacy yun dahil hindi lahat napagkakatiwalaan nang ganun.

“I mean, 18 years of public servant is no joke.

“Eighteen years kang pinagkatiwalaan and, modesty aside, first woman mayor, first woman governor ng Batangas.

“That’s women empowerment.

“Ibig kong sabihin, hindi rin puwedeng balewalain, legacy yun.

“Pero, nine years old naman, artista na ako.

“And I’m very sure, kaya rin naman ako kinunsidera riyan [pulitika] noong una dahil ako si Vilma Santos.

“Pero later on, ang hahanapin na sa ‘yo, performance. Kaya mo ba o hindi?

“Siguro, ganyang napagkatiwalaan ako ng 18 years, I must have done something good.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Vilma sa shooting ng pelikula niya noong August 20, sa may Greenfield District, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FOR CONGRESS, NOT VICE PRESIDENT. Hindi pa raw pinal ang desisyon ni Vilma, pero ang kinukunsidera niyang posisyon na posibleng takbuhin sa 2016 elections ay bilang congresswoman o representative sa isang distrito ng Batangas.

Huling termino na niya ngayon bilang governor ng Batangas.

Ipinaliwanag naman ng Star For All Seasons kung bakit ayaw pa niyang tumakbo bilang senador o kahit vice president, sa kabila ng mataas na puwesto niya sa mga survey.

Pahayag ni Vilma, “Kasi mas enjoy ako sa… I enjoy serving the people of Batangas.

“Kasi ako, ang ano ko, more on local.

“Given the chance, halimbawa natuloy akong tumakbo sa Congress, kung gusto ko pa, ha… that’s one term, three years.

“The fact na gusto ko pang magsilbi, babalik ako sa pagka-governor.

“Kailangan kasi may break.”

Hindi niya talaga kinukunsidera ang pagiging senador o vice president?

Aniya, “E, nagpapasalamat ako, tiwala ‘yan, e.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng naniniwala at nagtitiwala, priceless yun.

“Pero yung iku-consider ko, kaya ko ba?

“Kasi, in order for me to be an effective public servant, kailangan alam ko at kaya ko at gusto ko ang gagawin ko.

“Sa vice, I’m not prepared for that.”



NO FORMAL NEGOTIATION. Tahasan ding sinabi ni Vilma na walang anumang pormal na usapin tungkol sa mga nababalitang siya ang napipisil na maging running mate ni Mar Roxas sa 2016, sa ilalim ng Liberal Party.

Saad niya, “Sasabihin ko sa inyo, walang pormal na usapin ‘yan, ha.

“Sa totoo lang, nagugulat na lang ako, mga publicity, naka-headline, ‘Mar-Vi unbeatable.’

“Dyusko, publicity, write-ups, walang formal talks! It’s all publicity!

“Nababasa ko lang, napapanood ko lang.”

Hanggang ngayon ay balitang nililigawan pa rin ng Liberal Party si Senator Grace Poe para maging running mate ni Mar.

Kung sakaling hindi ito tanggapin ni Grace, posible ba ang Mar-Vi tandem?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nothing will change my mind,” diin ni Vilma.

Dugtong pa niya, “Kung, ha… ibig kong sabihin, walang formal talks na may ganyan. Walang ganun.

“Nothing will change my mind because I am not prepared for that.

“It is not what I envisioned and I’m not interested.

“Kapag hindi ako naka-focus dun, hindi ako magiging effective.

“Kasi hindi ko maibibigay ang puso ko. Hindi ako inspirado diyan.”

Ayon pa kay Vilma, hindi birong pamunuan ang buong Pilipinas.

“Being a public servant is a sacrifice,” sabi niya.

Ano kaya ang puwedeng magpabago ng isip niya para tumakbo sa mas mataas na posisyon?

“Wala,” mabilis niyang sagot.

“I am not prepared for that kind of position and I don’t want to sacrifice my family.”

Naniniwala si Vilma na maraming magaling at nakahanda sa naturang posisyon.

“You know why? It’s because sometimes they’re relying on the name.

“I am Vilma, kilala ako, yun 'yon, e.

“Pero kung tutuusin mo, yung talagang gustong magtrabaho, who can serve and deliver well, marami sila.”

Bilang miyembro ng Liberal Party, ang suporta raw niya ay na kay Mar Roxas.

Ayon kay Vilma, “I think Mar can be a good President.

“Aminin man natin o hindi, may magandang pundasyon naman na iniwan si President PNoy, aminin man natin o hindi.

“Ang mangyayari lang siguro, the best na puwedeng magawa, kung gustong ituloy yung tuwid na daan, we should do some innovations.

“Kung ano ang kakulangan, yun ang i-improve.

“Di ba, sinasabi na yung economy growth, hindi umaabot sa baba?

“Baka naman itong susunod na administrasyon, baka naman yun ang dapat bigyan ng priority.

“Mabigyan ng priority ang programa ng agrikultura, may magandang pundasyon na.

“And, I think, si Mar naman is on that track.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN