Dennis Trillo denies 'Paw' is his term of endearment for Jennylyn Mercado

Dennis Trillo on improved relationship with Jennylyn Mercado: "Siguro yung pagiging open sa communication... yung pagkakaroon ng mas malawak na pag-iisip, at pag-iintindi."


Nilinaw ni Dennis Trillo na hindi “Paw” ang term of endearment nila ng rumored sweetheart niya at co-star sa My Faithful Husband na si Jennylyn Mercado.

Nag-ugat ang usap-usapang ito nang nagkomento si Jennylyn sa pagtawag sa kanya ng “Paw” ni Dennis sa isang post ng aktor sa Instagram.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa isang event para sa promotion ng pelikula niyang Felix Manalo, kung saan gagampanan niya ang papel ng founder ng Iglesia ni Cristo, ay nagpaliwanag ang Kapuso actor tungkol dito.

Paliwanag niya, "Hindi, yun ang gamit namin sa aming show.

"Kaya dun sa mga nakakapanood ng show, naiintindihan nila, kung bakit ganun ang mga tawag-tawagan.

"Nagkataon lang na yun ang gamit namin, so akala ng iba na hindi alam, akala nila ay yun na ang term of endearment namin ni Jennylyn.

"Pero sa roles lang namin dun sa show namin together."

Sa totoong buhay, ano ba ang tawagan nila sa isa't isa?

Nangingiting sabi ni Dennis, "Wala, wala naman.

"Jen... ganun pa rin.

"Sa real life, di ko alam, kung anong term [of endearment] ang puwede kong itawag sa kanya, e.

"Yung, halimbawa, maging kami ulit.

"Yung mga ganyan naman kasi, di naman talaga pinaplano ang ganyan, 'di ba?

"Lumalabas na lang yun, e."

Dugtong pa niya, "Halimbawa, kung mahal mo ang isang tao, minsan kahit anong corny ang tawag mo sa isang mahal mo, bigla na lang may ganun, di ba?"

Ayon pa kay Dennis, mas sweet kung may espesyal na tawagan ang mag-sweehearts, para pandagdag-kulay sa kanilang relasyon.

"Ganun naman talaga yun, kapag nandun na tayo.

"Masarap din pakinggan yung tawagang ‘Babes,’ ‘Honey,’ ‘Sweetheart,’ ‘Heart,’ di ba?

"Parte na siguro yun sa relasyon, depende talaga sa inyong dalawa.

"Puwede naman na yung pangalan o palayaw mismo, depende talaga.

"Sa akin, okay naman yung espesyal na tawagan, para ma-feel naman nung karelasyon mo espesyal din naman siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



POSITIVE CHANGES. Malaki ba ang ipinagbago ni Jennlyn, lalo na sa pakikitungo sa kanya, considering na isa sa cause ng breakup nila noon ay immaturity level nila?

Pag-amin ng Kapuso actor, "A, oo.

"Well, sa ngayon kasi, ilang taon na rin ang nagdaan. Marami na kaming pinagdaanan sa buhay, mga experience.

"So, ayun, masasabi kong naging okay kaming pareho.

"In terms of maturity, siguro mas mature na kami pareho ngayon."

Anu-ano ang naging pagbabago nila ni Jennlyn at naging maayos ang samahan nila ngayon?

Saad ni Dennis, "Siguro yung pagiging open sa communication.

"Ano pa nga ba? A, siguro yung pagkakaroon ng mas malawak na pag-iisip at pag-iintindi."


SONS AS FRIENDS. Malaking factor din ba na magkaibigan ang anak niyang si Calix at ang unico hijo ni Jennylyn na si Alex Jazz?

Pagsang-ayon ni Dennis, "Oo... oo naman.

"Siyempre magandang tingnan na lumalaki silang magkasundo, maging close sa isa't isa.

"Tutal pareho naman silang lalaki, e, di sila na ang magtropa later on.

"Masaya lang na tingnan na okay sila sa isa't isa.

"At saka mga bata pa 'yan. Bigyan mo lang 'yan ng laruan, maglalaro na 'yan together, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN