AlDub, KathNiel, JaDine dominate Twitter world

by Erwin Santiago
Aug 27, 2015
The loveteams of Alden Richards and Maine "Yaya Dub" Mendoza (AlDub), Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (KathNiel), and James Reid and Nadine Lustre (JaDine) have dominated the Twitter world this past month.

Kung pagbabasehan ang Top 30 Tagalog/Filipino hashtags sa Twitter nitong nakalipas na buwan—mula July 27 hanggang August 26—walang duda na tatlong loveteams ang nangingibabaw ngayon sa Philippine showbiz.

Ito ay ang AlDub nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza; ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; at JaDine nina James Reid at Nadine Lustre.

Base sa nakalap na data ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Hashtagify, okupado ng hashtags tungkol sa tatlong nabanggit na loveteams at ang mga programang kinabibilangan nila ang lahat ng nasa Top 30; maliban sa top spot na nakuha ng #MTVHottest.

Ibig sabihin, araw-araw at gabi-gabing top trending topic sa Twitter ang hashtags tungkol sa kanila.

Lumalabas ding sa tatlong Pinoy loveteams, pinakasikat ngayon ang AlDub na napapanood sa Eat Bulaga!; na sinusundan ng KathNiel ng Pangako Sa ‘Yo (PSY) at JaDine ng On The Wings of Love (OTWOL).

Sa Top 30 hashtags nitong nakalipas na buwan, 16 ang para sa AlDub; anim sa PSY (KathNiel); at pito para sa OTWOL (JaDine).

Continue reading below ↓

Walo sa Top 10 ang tungkol sa AlDub.

ALDUB HASHTAGS. Narito ang mga hashtag para sa AlDub at ang ranking nila sa Top 30:

#ALDUBAgainstAllOdds (No. 2)

#AlDubMaybeThisTime (No. 4)

#ALDUBLOVEONTOP (No. 5)

#ALDUBKeepTheFaith (No. 6)

#ALDUBTULOYANGFOREVER (No. 7)

#AlDubForYouIWill (No. 8)

#HappyALDUBDay (No. 9)

#ALDUBGameOfDestiny (No. 10)

#ALDUBisforREAL (No. 13)

Continue reading below ↓

#AlDubHihintayinKita (No. 14)

#ALDUBnotALDUH (No. 15)

#AlDubWeBelongTogether (No. 16)

#AlDubYouLola (No. 19)

#AlDub (No. 20)

#AlDubTrueLoveWaits (No. 23)

#ALDubSaTamangPanahon (No. 24)

Umabot sa mahigit 2.5 million tweets ang #ALDUBAgainstAllOdds, habang mahigit 1 million tweets naman ang ibang AlDub hashtags.

PSY HASHTAGS. Narito naman ang hashtags ng PSY na pumasok sa Top 30:

#PSYUnangHalik (No. 3)

#PSYPagtuwidSaNakaraan (No. 11)

#PSYPanliligaw (No. 17)

#PSYKakayanin (No. 21)

#PSYSandigan (No. 29)

#PSYTulay (No. 30)

Umabot sa mahigit 2 million tweets ang #PSYUnangHalik.

OTWOL HASHTAGS. Ito naman ang mga nakapasok na hashtags ng OTWOL:

#OTWOLArrival (No. 12)

#OTWOLILoveUSA (No. 18)

#OTWOLKasalKasalan (No. 22)

#OTWOLTheMeetUp (No. 25)

#OTWOLAmericanDream (No. 26)

#OTWOLAchieve (No. 27)

#OTWOLPusongOFW (No. 29)

Read Next
Read More Stories About
#aldub, aldub twitter
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The loveteams of Alden Richards and Maine "Yaya Dub" Mendoza (AlDub), Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (KathNiel), and James Reid and Nadine Lustre (JaDine) have dominated the Twitter world this past month.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results