Maine Mendoza to #AlDub fans: “Kalma lang, wag tayo magmadali.”

Maraming #AlDub fans ang kinilig nang mapansin nilang parehong disenyo ng sapatos ang isinuot nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.


Makahulugan ang tweet ni Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub, ngayong Huwebes ng hapon, August 27.

Hindi man tinukoy ni Maine ang pinanggagalingan ng kanyang tweet, malinaw na may kinalaman ito sa matagumpay na tambalan nila ni Alden Richards sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga—ang #AlDub.

Tweet ng tinaguriang Dubsmash Queen: “We are doing our best to make you guys laugh and kilig every single day! Kalma lang ha, wag tayo magmadali. Let's just enjoy the show!”

We are doing our best to make you guys laugh and kilig every single day! Kalma lang ha, wag tayo magmadali. Let's just enjoy the show! 😊

— Maine Mendoza (@mainedcm) August 27, 2015

Ilang sandali ang lumipas, ni-retweet naman ito ni Alden at tila sinang-ayunan ang sinabi ni Maine:

Keep calm and believe in the plans of the Lord. 🙏🏻

— Alden Richards (@aldenrichards02) August 27, 2015

Pinakaaabangan ng #AlDub fans ang personal na pagkikita ng sikat na team-up ngayon sa telebisyon, na hindi pa nangyayari at isa sa mga bentahe ng kanilang loveteam.

Samantala, may lumabas na ulat naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw tungkol sa posibilidad ng pagiging totohanan na ng pagtitinginan nina Alden at Maine.

Ilang beses din kasing ibinuking o nagpatutsada ang ibang hosts ng Eat Bulaga! tungkol kina Alden at Maine, na tila nagiging totohanan na ang pagtitinginan.

Halimbawa, naibulalas ni Wally Bayola kay Jose Manalo habang umaarte sila sa Kalyeserye: “Parang tayo na lang ang uma-acting dito!"

Napansin kasi nilang tilang totoo na ang ipinapakitang kilig nina Maine at Alden.

Read: #AlDub Fever: Alden Richards and Maine Mendoza starting to show their true feelings for each other

COUPLE SHOES. Samantala, pinag-usapan din ng #AlDub fans sa Twitter ang sinasabing “couple shoes” nina Alden at Maine.

Kumalat sa social media ang collage ng photos nina Alden at Maine, at makikitang pareho ang disenyo ng kanilang sneakers.

COUPLE SHOES PA MORE! YIKIEEEE!! *heart heart heart* @mainedcm @aldenrichards02 #HappyALDUBWeeksary @r_faulkerson -cc pic.twitter.com/N3bLXFYMr1

— ALDUB NATION MANILA (@aldubnation_mnl) August 27, 2015

Hindi naman magkasabay isinuot ng dalawa ang nasabing sapatos.

Kuha ang larawan ni Maine mula sa episode ng Eat Bulaga! ngayong Huwebes, samantalang ang larawan ni Alden na suot ang parehong disenyo ng sapatos nitong Lunes, August 24.

Pero para sa mga fans, hindi lang coincidental ang pagkakaroon nila ng “couple shoes” kundi “destiny.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa rin silang mauuwi sa totohanan ang pagtitinginan ng dalawa na nagsimula sa telebisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN