Sylvia Sanchez did not expect her children will also enter showbiz

Sylvia Sanchez feels more stressed now that her children are in showbiz: "Siyempre, ayoko ng nakakarinig ng negatibo. Sanay naman ako sa intriga, pero kapag sila ang inintriga, sila ang binanatan, imposibleng hindi ako haharap, imposibleng hindi ko ipagtatanggol ang mga anak ko."


Masaya si Slyvia Sanchez na tatlo na silang artista sa pamilya.

Ilang taon na ang nakalipas mula nang pasukin ng anak niyang si Arjo Atayde ang pag-arte.

Ngayong naka-graduate na ng college ang anak niyang babae na si Ria Atayde, wala na raw magawa si Sylvia at ang mister niyang si Art Atayde na pag-arte rin ang gustong gawin nito.

Pahayag ni Sylvia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko naman in-expect ‘to.

"Ni sa isip ko, hindi ko sukat-akalain na meron akong magiging mga artistang anak.

“Basta gusto ko lang maging artista kasi breadwinner ako.

"Pero hindi ko inisip na... wala akong plano na pagtanda ng mga anak ko, paglaki, sila naman ang magiging artista, walang ganun.

“Kaya ngayon, nakita ko na, 'A, okay, sumunod sila sa yapak ko.'

"Pero siyempre, kung ako ang tatanungin, gusto ko silang mag-aral, gusto ko silang mag-business.

“Siyempre, gusto ko na katulad sila ng daddy nila na stable ang negosyo or ng papito [paternal grandfather nilang si Ramon Atayde Sr.] nila na ilang taon na, 70 na, 75... negosyo pa rin.

“Kaso, mas malakas ang dugo ko.”



BUSINESS-MINDED. Natutuwa si Sylvia na kahit nag-aartista si Arjo, pinapasok na rin nito ang pagnenegosyo.

Si Ria naman daw, nag-aaral pa lang noon sa La Salle, may sarili na ring negosyo.

Pagmamalaki ni Sylvia, “Si Arjo, may restaurant siya, ang dami na rin niyang balak.

"Kinakausap niya ang daddy niya at ang papito niya.

“So, sabi ko sa kanya, ‘Jo, ganito na lang, gawin mong maganda ang showbiz, gawin mong maganda ang trabaho mo diyan, kasi aminin naman natin, kapag ikaw ay sumikat dito sa industriya, magkakaroon ka ng koneksiyon, di ba?’”

Aminado si Sylvia na mas nai-stress siya ngayong pareho nang nasa showbiz ang dalawang anak niya.

“Siyempre, ayoko ng nakakarinig ng negatibo.

"Sanay naman ako sa intriga, pero kapag sila ang inintriga, sila ang binanatan, imposibleng hindi ako haharap, imposibleng hindi ko ipagtatanggol ang mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang naman ang stress ko, kaya sabi ko, ‘Anak, huwag niyo akong bigyan ng dahilan na mang-away, ha.’

“Kasi, ibang usapan 'yan. Ako, apihin ako, tawagin na ako ng kung anu-ano, huwag lang ang mga anak ko.”



GAY RUMORS. Nagpapasalamat naman si Sylvia na wala pang matinding pang-iintriga kay Arjo sa ilang taon na nito sa showbiz.

Ang naaalala lang niya, naintriga si Arjo na bading.

Natatawang sabi ni Sylvia, “Inintriga siyang bading siya, pero ikinatuwa ko pa nga yun.

“E, kasi, nagpu-pose siya ng kung anu-anong kabadingan niya, so iniintriga siya na bading siya. Mga kalokohan niya.

"Noong una, siya lang. Sumama na si Christian Vasquez, tapos si Ronnie Quizon... puro mga kalokohan.

“Sabi ko nga, kung bading ang anak ko, wala namang problema.

"Ipapadala ko pa siya sa New York para mag-aral dun at maging maayos siyang bading.

"Pero, hindi nga bading!"

Patuloy ng aktres, “And I don’t think gagawin ni Arjo na mag-pose ng kabadingan kung alam niyang bading siya.

"Ako pa nga ang ‘Uy, ‘nak, nag-pose ka na naman ng bading ka. Pagkamalan kang bading niyan.’

“Sabi niya sa akin, ‘So what, Mom, kilala ko ang sarili ko. Kung bading ako, hindi ako takot. I don’t have to explain. Pero kilala ko ang sarili ko.’

“Kay Arjo naman, ang sinasabi ko lang nun, ‘Nandiyan ka na, napapansin ka. Maging propesyunal ka. Paghusayan mo pa ang trabaho mo.’”



ADVICE TO DAUGHTER. Mas marami bang restrictions o limitasyon si Sylvia kay Ria?

“Ganun din naman kay Ria...

"'Ingat ka, babae ka. Kapag nabuntis ka, wala na.

"'At saka, maging propesyunal ka. Huwag kang namimili ng tao sa set, ke producer, ke utility 'yan. Kailangan pantay-pantay ang treatment.'"

Nagpaseksi muna si Sylvia bago siya nakilalang mahusay na aktres. Papayagan din ba niya si Ria na magpa-sexy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, huwag na lang,” sambit niya.

“Iba ang anak ko sa akin, e. Aalagaan ko 'yan, poprotektahan ko 'yan.

"Ang daddy naman niya, sinasabihan lang siya na, ‘O, nakatingin ako sa ‘yo."

Katuwiran pa ni Sylvia, “Nag-sexy na ako nun, e. Wala akong choice. Ito, may choice, e.

“Ginapang naming mag-asawa 'yan, e. Inayos namin ang buhay namin.

"Gusto ko, yung naranasan kong hirap, ayokong maranasan niya.

"Yung later on, ang tingin sa ‘yo, ganun ka na lang.

“Kasi, wala akong choice. Pero kung may choice ako, dyusko! E, kaso, ako ang breadwinner.

"Sila naman, kung ano ang gusto nila, kaya naman naming ibigay."

Ayon kay Sylvia, mas istrikto si Arjo sa kapatid na si Ria.

Malapit daw sa isa’t isa ang dalawa, lalo pa’t mahigit isang taon lang ang agwat ng mga edad nila.

“Siya ang may rules. Ako naman, basta huwag kang manapak [ng iba].

"Siyempre ako, gusto ko siyang maging...

"Kung si Arjo, gusto kong maging Dindo Fernando, Eddie Garcia; si Ria, ang target ko, gusto ko siyang maging Bea Alonzo, gusto ko siyang maging Dawn Zulueta."



HER CHILDREN’S CRITIC. Nagkasama na sa isang show sina Sylvia at Arjo.

Magkasama sina Sylvia at Ria sa daytime teleserye na Ning Ning, pero hindi raw sila magkaeksena.

Pangarap ba ni Sylvia na magkasama silang mag-iina sa isang teleserye o kahit na tipong Maalaala Mo Kaya episode?

Tugon niya, “Yeah, pangarap ko 'yan, of course.

"Pero ngayon, huwag muna si Ria. Gusto ko muna siyang mahasa.

“Hindi pa ito ang right time.

"Okey siyang umarte for a newcomer, pero yung kaming tatlo, gusto ko yung hasa na siya. Siguro mga two years.

"Ako kasi, sa mga anak ko, hindi ko sasabihin na, 'Ang galing-galing mo.'

“Si Ria at si Arjo, minsan sumasama ang loob nila sa akin. Kasi, sasabihin ko, ‘Mali, e.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi tama ang nakikita ko kaya sasabihin ko sa kanila.

“Ako yung hindi porke’t nanay, ako ang magpi-praise sa mga anak ko.

"Si Arjo, bago ko nasabihan na, ‘Nak, ang galing mo,’ ang tagal.

“Ang sinasabi ko lang sa umpisa, ‘Marunong ka as first timer, makikita mo na kasi may emosyon, nandiyan na ang mata.’

"Pero hindi pa nila nailalabas totally, kasi baguhan.

“Like si Ria ngayon, [sinasabi ko], ‘Meron kang acting, meron kang mata, i-develop natin yun.’

“Hindi ako yung pupurihin ko ang anak ko kahit may nakikita akong mali.

"Hindi matututo ang mga 'yan. Pinipitik ko kapag may mali."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN