Epy Quizon says siblings decided to call off auction of Dolphy properties: “Parang may message si Daddy na huwag muna."

A mini Dolphy museum is afoot in Quezon City, what about a biopic about the iconic comedian? Epi Quizon is doubtful, "Ang pinakamahirap dyan kung paano isusulat...”


Hindi na muna itutuloy ng mga Quizon ang dapat sana’y auction para sa properties ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Paliwanag ng isa sa mga anak ni Dolphy na si Epy Quizon, “Maraming nag-back out kasi sa Dolphy Theater.

“Maraming mga… parang ayokong mag-bid sa harap ng kamera.

“Actually, that day pa lang, nag-usap-usap kami na parang ayaw yata ni Daddy na ibenta ang mga properties.

“So marami sa mga kapatid ko, even me, huwag muna.

“Parang may message si Daddy na huwag muna naming ibenta."

Ibig sabihin wala silang nabenta?

“Meron kaming mga nabenta, may mga bumibili nga nung mga araw na iyon na silent bidders.

“Kasi after nung open auction, nag-silent auction kami.

“Yung mga kapatid ko, ‘Huwag muna, i-hold muna natin.'

“So, naka-reserve muna ngayon, but we are selling the properties.

“Pero ayaw na namin nung gano’ng bidding.

“Pahinga muna tayo, pakinggan muna natin ang mga mensahe ni Daddy.

“Managinip uli tayo kung paano tayo kakausapin ni Daddy, kasi parang ayaw niya, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Epy bago magsimula ang presscon ng Heneral Luna nung August 26 sa Victorino's Restaurant sa Quezon City. Isa si Epy sa mga tauhan ng nabanggit na pelikulang pinagbibidahan ni John Arcilla at pinamahalaan ni Direktor Jerrold Tarog.

Ginagampanan ni Epy ang role bilang si Apolinario Mabini sa nasabing movie.

CONSENSUAL. Ang kapatid nilang si Eric Quizon ang property administrator pa rin daw ng estates ng ama nila.

Pero nilinaw ni Epy na hindi si Eric ang may huling salita sa lahat ng mga desisyon tungkol sa kung ano ang puwedeng gawin pagdating sa mga naiwan ng kanilang ama.

Patuloy ni Epy, “Hindi lahat naka-entrust kay Eric. At the end of the day, he entrusts everyone.

“Ang problema sa disiotso naming magkakapatid, isa lang ang mag-no, no na lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It has to be consensus, hindi puwedeng ayaw ng isa, seventeen ang may gusto, okey na tayo. Hindi, e.

"Kailangan gusto ng lahat. 'Pag ayaw ng isa, ibig sabihin, walang mangyayari.

“Yun ang nangyari after ng auction, ang dami nang nagkaroon ng doubt sa auction.

“Ang daming nag-ano sa mga kapatid ko na, parang, 'Kinakausap na tayo ni Daddy.'

“Yun ang message naming lahat na, 'Okey, huwag muna.'”

DOLPHY MUSEUM. Ibinalita ni Epy ang isang importanteng event na magaganap para sa kanyang ama.

Pahayag niya, “Abangan ninyo soon, ilalagay natin sa Quezon City.

“Maglalagay tayo ng mini-Dolphy museum, project ni Vice Mayor Joy Belmonte.

“Ewan ko lang kung puwede ko nang i-announce, huwag muna ninyo ako i-quote, hahahaha!”

Pero sa kabila ng pagtanggi na ito ni Epy na ma-quote ay matunog na rin ang balitang sa Quezon Memorial Circle ilalagay ang maliit na Dolphy Museum.

“Yun ang hindi pa ako makapagbigay ng detalye, pero definitely I’m in talks with them.

“Ako yung kumakausap sa kanila para sa little Dolphy museum.

“Yung mga trophies niya, nagku-collect kami ng mga pictures niya.”

Tungkol naman sa foundation, tumatakbo pa rin daw ito kaya lang daw ay wala pa itong scholars.

Paliwanag ni Epy, “Lately kasi, wala kaming mga events, e.

“Usually, 'pag may mga events kami may mga scholars kami sa foundation.

“Unang-una busy si Eric, ‘tapos io-auction namin dapat yung mga properties. Nagkaroon nang ‘mis-auction’

“After nung negotiation with the big firm, suddenly biglang nag-stop buying sila.

“O, sige, okey. Ano muna tayo… kaya itong birthday ni Daddy, talagang kalma muna tayo.”

Ang rights sa mga pelikula ni Dolphy, partikular na mula sa dating production outfit ng yumaong komedyante na RVQ Productions ay nasa pangangalaga na raw ng ABS-CBN.

Pagkumpirma ni Epy, “It’s with ABS-CBN, I think, the rights to air.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung gawing teleserye o isapelikula ang buhay niya, maraming nag-attempt. Ang pinakamahirap diyan kung paano isusulat, e.

“Kasi sixty-seven years in the business, wala pa yung personal life niya. Parang... saan ka magsisimula?

“Yun ang unang tanong, and it was also the same problem namin sa libro, kung saan magsisimula.”

Sa ngayon, ang pagtatayo ng maliit na museum ang sentro ng atensyon ng mga Quizon.

Kung kailan itutuloy ang auction para sa pagbebenta ng ibang properties ni Dolphy ay wala pang update.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN