Coco Martin bent on setting a good example to his followers

by Glen Sibonga
Aug 28, 2015
Coco Martin on responsible use of social media: "Para sa akin po kasi, ang mga kabataan ngayon, halos wala na silang time para sa pamilya nila o para sa magulang nila. Kadalasan po, sino po ang ginagaya nila, di ba po kaming mga artista? Kung ano ang pinu-post namin, iyon ang sa tingin nila tama at uso. Kung magpapakita ako ng mga bagay-bagay na dahil wala lang, gusto ko lang, dahil iyon ang uso, iyon ang makikita nila at maiisip nilang tama."

Wala pa raw sa isip ng Kapamilya actor na si Coco Martin na sumabak sa pulitika.

Pahayag niya, “Honestly, sa akin po sa ngayon, wala po akong naiisip na ganun.

“Kasi, para sa akin po, masaya ako kung nasaan ako ngayon at kung anuman yung ginagalawan kong mundo at trabaho po.

“Sa akin din pong pagkakaalam, maraming tao po ang nasira dahil diyan sa magulong mundo na iyan.

“Kasi sabi ko nga, iba-iba siguro ang destiny ng bawat tao.

"Siguro may mga taong inilaan para sa ganoong pamamaraan o sa ganoong aspeto ng buhay."

Patuloy ni Coco, “Ako siguro, kung nandito man ako ngayon [sa showbiz], siguro ito yung ibinigay sa akin ng Diyos.

“At sa pamamaraan ko bilang artista, ginagamit ko ito para makatulong sa aking kapwa.

“Siguro sa pag-arte ko, nagagawa ko yung part ko dahil kahit papaano napapasaya ko yung mga manonood, nakakapagbigay ako ng encouragement, para sa bawat role na ginagampan ko nakakapagbigay ako sa kanila ng magandang ehemplo para gayahin sana nila ako sa bawat character na ginagampanan ko."

Continue reading below ↓

AN ARTIST'S RESPONSIBILITY. Mahalaga rin daw ang ginagampanang papel ng mga artista para sa humahanga sa kanila.

Sabi ni Coco, “And sinasabi ko nga lagi, na ang bawat artista, may responsibilidad sila sa kanilang mga manonood.

“Kasi kung bibigyan niyo ako ng opportunity na para gumawa ng isang character para sirain lang yung buhay ko o para ipakita sa mga tao ang mga maling bagay, hindi ko siya gagawin, e.

“Bakit? Kasi yun nga yung sinasabi ko na mayroon akong responsibilidad sa aking mga manonood.”

Isang paraan nga raw para maging mabuting ehemplo siya lalo na sa mag kabataan ay ang pagiging maingat sa kanyang mga ipino-post sa social media.

“Sa mga IG [Instagram] o kung anuman man iyan, careful ako sa mga pinu-post ko kung anuman iyon.

“Para sa akin po kasi, ang mga kabataan ngayon, halos wala na silang time para sa pamilya nila o para sa magulang nila.

Continue reading below ↓

“Kadalasan po, sino po ang ginagaya nila, di ba po kaming mga artista?

“Kung ano ang pinu-post namin, iyon ang sa tingin nila tama at uso.

“Kung magpapakita ako ng mga bagay-bagay na dahil wala lang, gusto ko lang, dahil iyon ang uso, iyon ang makikita nila at maiisip nilang tama.

“Pero sabi ko nga, kanya-kanya naman ang bawat tao.

“Hindi ko sinasabi na mali yung ginagawa nila.

“Ang sinasabi ko lang, bilang parte bilang isang tao, alam ko yung responsibilidad ko sa aking mga manonood at sa lipunan.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin on responsible use of social media: "Para sa akin po kasi, ang mga kabataan ngayon, halos wala na silang time para sa pamilya nila o para sa magulang nila. Kadalasan po, sino po ang ginagaya nila, di ba po kaming mga artista? Kung ano ang pinu-post namin, iyon ang sa tingin nila tama at uso. Kung magpapakita ako ng mga bagay-bagay na dahil wala lang, gusto ko lang, dahil iyon ang uso, iyon ang makikita nila at maiisip nilang tama."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results