Coco Martin says his family is not affected by his fame: “Pagdating ko sa bahay, mawi-weirdan kayo dahil never naming pinag-usapan ang trabaho ko.”

Despite his admiration for President Noynoy Aquino and his own aspiration to share his blessing with more people, Coco Martin does not see himself entering politics, “Ang bawat tao siguro may destiny at para sa akin, itong trabaho ko ngayon, dito po talaga ako tinahak ng Diyos... yung sa pulitika, siguro po para sa ibang tao yun.”


Consistent.

Isa ito, sa aming palagay, sa mga katangian ni Coco Martin na hanggang ngayon ay pinanghahawakan niya.

Yung ugali niya na pagiging accommodating at mabait ay madalas na ilarawan sa kanya ng halos lahat ng mga nakakasama niya sa trabaho, mapa-artista o production people man ito.

Puring-puri si Coco palagi, ano ang reaksiyon niya rito?

“Siyempre po, masarap sa pakiramdam at sabi ko nga, thank you rin.

“Naa-appreciate nila yung suportang ibinibigay ko sa kanila, kagaya rin ng suportang ibinibigay nila sa akin.”

Si Coco ang isa sa pinakasikat na aktor sa ngayon.

Hindi rin kaila na nanggaling si Coco sa isang hindi marangyang buhay.

Sa lahat ng kasikatan na meron siya ngayon, ano ang nagiging reaksiyon ng pamilya niya?

“Yung family ko, hindi sila affected, e. Yun ang tinuturo ko sa kanila.

“Sabi ko nga, iba ako sa trabaho ko at iba rin ako pagdating sa bahay o personal kong buhay.

“Pagdating ko sa bahay, mawi-weird-an kayo, dahil never naming pinag-usapan ang trabaho ko.”

ICONIC ROLE. Nakausap si Coco ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, August 27, sa solo presscon niya para sa bago niyang primetime series na Ang Probinsyano.

Ito ang TV adaptation ng isa sa mga klasikong pelikula ni Fernando Poe Jr. o FPJ tungkol sa buhay ng mga pulis.

Aminado si Coco na “bayani” ang tingin niya sa Hari ng Pelikulang Filipino na si FPJ.

Sabi niya, “Napaka-blessed ko lang po talaga, dahil ako po ang gaganap sa mga obra na ginawa ni FPJ at napagbigyan po nila 'ko.”

Mabigat daw ang pressure dahil isang “icon” ang ginagampanan niya at bibigyang-buhay.

“Sobra po,” saad niya, "Alam niyo naman po ang expectations ng mga tao kapag sinabing FPJ.

“Basta alam kong gagawin ko lang kung ano ang tama, sa best ko at sa guidance po ng mga katrabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam naman po nating magagawa natin nang maganda.”

Muling nilinaw ni Coco na walang anumang political agenda ang paggawa nila ng TV adaptation ng mga pelikula ni FPJ.

“Wala po. Sabi ko nga, bago namin inumpisahan ‘to, yun po ang klinaro naming lahat.

“Nagkataon lang talaga na ngayong taon ko gagawin and by next year na magkakaroon po ng election.”

REGRET. Marami naman ang naintriga sa naging pahayag ni Coco na tila sa naging pag-eendorso niya noon sa isang pulitiko ay nagkaroon siya ng pagsisisi.

“Lahat naman ng tao, hindi naman perpekto, at least sa pagkakataong ito, mas mag-iisip tayo.

“Mas babantayan ang bawat kilos at mas kikilalanin ang mga taong tutulungan natin.”

Pagdating naman daw sa personal, hindi raw nakikita ni Coco ang sarili sa mundong ito.

Ngayong siya ang napili na gumanap sa klasikong pelikula ni FPJ, posible nga kayang pasukin din niya, tulad nito, ang pulitika.

“Honestly po, ang layo po, e,” nakangiti niyang sabi, “Hindi ko po talaga gusto.

“Ang bawat tao siguro may destiny, at para sa akin, itong trabaho ko ngayon, dito po talaga ako tinahak ng Diyos.

“And yung sa pulitika, siguro po para sa ibang tao yun.”

Pero kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw ni Coco na magkaroon ng sariling charity at makapagbahagi ng mga blessing na natatanggap niya.

SHOWBIZ FOREVER. Isa rin si Coco sa mga nagtaas ng kamay at nag-endorso noon kay Pangulong Noynoy Aquino.

Ilan sa mga artistang nag-endorso rito ay nabigyan nito ng government post.

Hindi ba siya inalok sa isa man sa mga sangay na ahensiya ng gobyerno?

“Hindi po, yung pagtulong ko po noon kay President Noynoy ay bukal po sa loob ko, talagang naniniwala ako sa kanya.”

Kung sakali at inalok siya, tatanggapin ba niya?

“Kung may kakayahan po ako para sa ibibigay niya sa akin or iniaatang niya sa aking tungkulin, bakit naman po hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa aking kakayahan ngayon, nandito po ako sa trabaho ko para makapagbigay ng kaligayahan or makapagbigay-inspirasyon sa ating mga manonood.”

JULIA MONTES. Napag-usapan din ang aktres na nali-link sa kanya kahit na wala na silang proyektong pinagsasamahan ngayon, si Julia Montes.

Nakangiting sabi naman ni Coco na patuloy pa rin silang pinag-uusapan, “Honestly, masaya.

“Sabi ko nga, loveteam kami. Nakakatuwa kasi, maraming mga taong sumusuporta sa aming dalawa.

“At ako naman din po, sabi ko nga, sobra ko rin namang sinusuportahan si Julia.”

Si Coco naman daw ang nahihiya sa ilang isyung lumalabas sa kanila na kesyo ang bagong bahay raw ni Julia ay bigay o regalo niya.

Watch: Julia Montes tells reporter Coco Martin has nothing to do with construction of her new house

Ayon kay Coco, “Honestly, nahihiya ako para sa kanya na may lumalabas na ganung isyu.

“Kung may ibibigay man ako, hindi bahay. Siguro wisdom,” natawang sabi niya.

Nanggaling naman kay Julia na hindi pa raw niya ito naiimbita sa bahay niya kahit na masasabing malapit sila sa isa’t isa.

“Hindi pa nga,” nakangiting pag-amin naman ni Coco, "Wala pa talaga, kasi private kaming tao.”

Sa isang banda, halos marami naman ang naniniwalang sila na talaga ni Julia.

“Alam niyo naman po rito, maraming paniniwala,” nakangiting sabi na lang ni Coco.

Aminado naman si Julia na si Coco ang naging inspirasyon niya kung kaya’t may bagong bahay itong binili para sa sarili at sa pamilya niya.

At yung bagong bahay ni Julia na yun ay malapit din daw sa bahay ni Coco.

Sabi naman ng aktor, “At least, nakakapagbigay ako ng magandang halimbawa sa mga nakakatrabaho ko.”

Kailan naman kaya niya iimbitahan si Julia sa bahay niya?

“Ngayong malapit na kami, baka maimbitahan ko na siya,” nakangiting pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN