Rufa Mae Quinto posts pictures of her bruised skin on Instagram

Nag-post sa Instagram ang komedyanang si Rufa Mae Quinto ng larawan ng kanyang katawan na punung-puno ng pasa. Hematoma raw ito na hindi pa alam ang dahilan.


May malalaking pasa sa katawan ngayon ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto.

Base sa post niya sa Instagram, ang mga pasang ito ay sanhi raw ng hematoma o ang pamumuo ng dugo sa labas ng blood vessels.

Caption niya sa kanyang post, kasama ang larawan ng kanyang katawang may pasa: “This is what I've been though... Thru .. True and truth...

“So thank you lord for saving my life and yes... To my doctors.. May pag Asa pa... And I'm sharing this so I could be of help to people suffering and in pain.

“I will teach or at least inspire and give support, advice, strength to people healed sickness, get ready physiologically and physically and spiritually emotionally.

“I'm sharing this coz I'm done being scared. So if u need superrrr B! Call me baby! I'm here. Thanks to the people who really care.

“And loved me for being Booba! For 20 years. For Loving and Laughing WITH me NOT At me. For my nose bleed barok English.

“Guys! Ganon talaga. I love you all #hematoma #bloodclot

Sa kasunod niyang post, ibinahagi naman ni Rufa Mae ang video ng kanyang pag-iyak dahil sa kanyang pinagdadaanan.

Caption niya rito: “Yessssss! Booba Cries 😢 kakayanin natin to guys!!! Super B .. Kahit masikip sa dibdib 😇🙏🏻💙 #hematoma"

May followers ang 37-year-old comedienne ang nagtanong kung ang mga pasa sa katawan niya ay dulot ba ng kanyang pagpapa-lipo o kaya ay epekto ng silicon implants.

Pero wala siyang sinagot sa mga tanong na ito.

Sa kasunod niyang post, ipinakita naman ni Rufa Mae ang kanyang branded shoes, pero halata pa rin ang kanyang mga pasa sa hita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN