Tuesday Vargas: “Kailangan ko pa ng mas magagandang body of work para masabi ko na comfortably na, ‘I am TV5’s Queen of Comedy.’”

Matapos ang ilang taong paghihintay, magbibida na si Tuesday Vargas sa kanyang sariling sitcom, ang Kano Luvs Pinay kasama ang American actor na si Lee O’Brian. Hindi naman daw siya napagod maghintay dahil kanya-kanyang panahon naman daw ang mga big breaks para sa iba’t ibang artista.


Hindi ikinaila ni Tuesday Vargas na labis-labis ang kaligayahan niyang naramdaman dahil sa wakas ay nabigyan na siya ng sariling show na siya talaga ang matatawag na bida.

Sa darating na September 5, 9 p.m., ipapalabas na sa TV5 ang Kano Luvs Pinay na pagbibidahan ng komedyana katambal ang Hollywood actor na si Lee O’Brian.

Hindi naman daw siya naiinip na maghintay na mabigyan ng malaking break na magbida.

Kuwento ni Tuesday, “Hindi. Actually, most Hollywood actors either start really early or later in their career, so to each his own. Everybody have their day in the sun.

“Now, I was given this opportunity, I will try to do my very best to uplift whatever the industry bestowed me. Bestowed talaga,” sabay halakhak ng komedyana.

Hindi naman ba siya napagod, na bakit ganun na lamang katagal bago siya nabigyan ng pagkakataong ipakita ang kanyang galing sa pag-arte, lalo na sa komedya?

Tugon ni Tuesday, “Hindi, ano, lagi namang may trabaho. So wala akong oras na mag-wonder kung ano ang puwede kong gawin.”

Sa Kano Loves Pinay, gagampanan ni Tuesday ang role ni Cookie, isang 30-year-old raketerang single mom na sinubukang maghanap online ng maaari niyang maging partner in life.

Dito niya nakilala si Matthew, sa katauhan ni Lee, at dito na magsisimula ang kanilang interracial relationship.

Sabi niya, “Very blessed and fortunate to have that opportunity to work alongside with Lee.”

Si Lee ang bida sa pelikulang Edsa Woolworth kasama si Pokwang noong taong 2014.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tuesday sa presscon ng Kano Luvs Pinay kahapon, Biyernes, August 28, sa Annabel’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

KAPATID NETWORK’S COMEDY QUEEN? Kung si Pokwang ang itinuturing na reyna ng komedya sa ABS-CBN, si Ai-Ai delas Alas naman sa GMA, si Tuesday naman ang sinasabing reyna sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksyon ni Tuesday, “Queen of Comedy? A, medyo mabigat. Mataas yung responsibility na ibibigay sa iyo, kung totoo man ‘yan, ha.

“Pero, I really think I have a long way to go before I will be able to be called that.

“Kailangan ko pa ng mas magagandang body of work para masabi ko na comfortably na, 'I am TV5’s Queen of Comedy.'

“But, with the volume of the projects, the kind of projects that they are giving to me, I’m very, very grateful. So, let’s see.”

POKWANG’S SUPPORT. Ikinuwento naman ng singer-comedienne na grabe ang ipinakitang suporta ng kanyang kaibigang si Pokwang sa boyfriend nitong si Lee.

Lahad niya, “Oo, nagpunta ng set ang lola mo, nagdala ng ginulay na mais, ng laing, ng manok, paandar. Super tsika.”

Very close sina Tuesday at Pokwang. Isa ba siya sa unang nakakaalam na nalaglag ang ipinagbubuntis nito?

Sagot ni Tuesday, “Actually, I only found out about it through Lee. Day before the first press conference. I was really surprised that, that was actually happening while we were filming the first few episodes.

“He didn’t show any signs that he was sad or depressed, he went through the day as if nothing is happening in his life.

“When I found out about it, I texted her, ‘Are you okay? Si Carmella [tunay na pangalan ni K Brosas], did she go to you?’

“Sagot daw ni Pokwang, ‘I’m just fine. I’m just resting. I’m at home.’

“So, it’s really commendable that they kept it under wraps especially, sa amin. So, very professional how they handled it.”

Read: Pokwang suffers miscarriage, confirms her American boyfriend

Pagdating naman sa kanyang sariling pamilya, patuloy pa rin daw sinisikap nina Tuesday at ng mister niyang si Coy Placido na makabuo ng anak matapos ang dalawang miscarriage na pinagdaanan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN