Arnell Ignacio and Ken El Psalmer patch things up; but are just friends for now

In their Startalk interview earlier, August 29, Arnell Ignacio and Ken El Pslamer revealed that they have already patched things up. But Ken clarified that they are just friends for now.


Nagkaayos na ang dating magkasintahan na sina Arnell Ignacio at Ken El Psalmer.

Sa live interview sa kanila ng Startalk kanina, August 29, ibinahagi nina Arnell at Ken sa hosts na sina Joey de Leon at Lolit Solis ang kanilang naging pag-aayos.

Una silang tinanong ni Joey kung sila ba ay nagkabalikan na at sino ang gumawa ng unang paraan para sila ay muling magkasundo.

Tugon ni Arnell, “Di naman kami nagkahiwalay, e!”

“Sige na, lalamunin ko na yung mga sinabi ko.

Sabay itinuro niya si Ken at sinabihan na siya na ang sumagot. “Ikaw na sumagot, ikaw may kasalanan, e!”

Paliwanag ni Ken, “Ngayon po bale, magkaibigan po muna kami.

“We patched things up naman na, e. So yung mga nangyari before, okey na kami, napag-usapan na namin.

Pagbabahagi naman ni Arnell, “Oho. So kung yung sorry mo, punung-puno ng sinseridad!”

Dagdag pa niya, “Nakatalikod ako, [sabi lang niya,] ‘Sorry.’ Ganun lang?

“Walang kakuwenta-kuwentang mag-sorry.”

Nilinaw naman ni Ken ang tungkol sa sinasabing mga naging ibang karelasyon niya habang sila pa ni Arnell.

Matatandaang nang naghiwalay ang dalawa, isa sa mga dahilan nito ay nang mahuli ni Arnell si Ken na may mga karelasyong iba.

Read: Arnell Ignacio speaks up about split with boyfriend Ken Psalmer

Saad niya, “Yung mga nabalitaan po niya no’n, actually, yun yung past ko.

“So, nung nagkataon na rin na nalaman niya...”

Singit ni Arnell, “Echosera!”

Sagot naman ni Ken kay Arnell, “Totoo naman, e! Madali ka kasi maniwala kung saan-saan.

Bawi ni Arnell, “O, hindi na, sorry na.”

Pagpapatuloy ni Ken, “So, may mga nalaman niya po, actually, mga nauna, mga past ko yun.

“So nalaman niya, so siyempre yung mga taong nakapaligid sa 'min...”

Putol na naman ni Arnell, “Ganda-ganda mo kasi.

Tinanong naman ni Lolit ang dalawa kung sino raw ba sa kanila ang “beke,” o terminong ginagamit ni Lolit sa kung sino ang mas babae sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng comedian-TV host, "Ito, mas!” sabay turo niya kay Ken.

Kontra naman ng up-and-coming singer, “Siyempre siya, long-hair siya, e.

Pumunta naman si Joey sa isang mas seryosong usapan nang tanungin niya si Arnell sa napapabalitang siya mismo ang nagpapagamit sa dating karelasyon.

Tanong pa ng komedyante kay Arnell, “Bakit ganun ka kabait ka sa kanya?”

Tugon niya, “Ewan ko nga rin, e.

“Hindi. Kasi ako naniniwala na magaling siya. Una magaling siyang singer, performer.


“Tsaka mukha siyang for entertainment [industry] talaga.

“Nanghihinayang ako na makitang manatili siyang ganun.

“And he has gone through so many experiences sa entertainment na kahit ako, hindi ko kakayanin.

“So, kung meron naman akong konting kapasidad na tulungan siya, nasabi ko na yun na tutulungan ko siya.

Hiningan naman ni Lolit ng mensahe ang 52-year-old comedian para kay Ken.

Payo niya kay Ken, “Alam mo, ano, i-treasure mo na yung mga taong mabait sa 'yo dahil ang konti no’n, ako na lang natitira.

Reaksyon naman ng 28-year-old aspiring singer, “Nagpapasalamat ako sa ‘yo sa lahat ng mga kabaitan mo na pinapakita sa 'kin.”

Muling pagkontra ni Arnell, “Di ko kailangan ng mga pasalamat na ganun.”

Birada naman ni Ken, “Ano ba kailangan [mo]? Demanding ka kasi!”

Nilinaw naman ni Lolit kay Ken kung saang bagay naging demanding si Arnell.

Sagot niya, “Sa maraming bagay, basta sa lahat...”

At bigla nitong binawi ang mga sinabi.

“Biro lang yun, mabait siya, sobrang bait niya sa lahat.”

Nagpahabol naman ng tanong si Joey kay Arnell, “Kung tatlo na lang ang tao sa mundo, si Gelli de Belen, si Geneva Cruz 'tsaka si Ken, sino ang pipiliin mo?”

At itinuro ni Arnell si Ken.

Bago nangyari ang hiwalayan, nag-propose pa si Arnell sa dating kasintahan para maging fiancé nito at binigyan niya ito ng singsing.

Read: Arnell Ignacio clarifies 'proposal' to BF Ken El Psalmer: “Kaya ko binigyan ng singsing, officially tayo na, para wala nang umagaw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN