(UPDATED) #ALDUBMaiDenHeaven surpasses #PapalVisit on most tweets in the Philippines

Panibagong record na naman ang naitala ng #AlDub hashtag dahil umabot sa mahigit 3.5 million tweets ang #ALDUBMaiDenHeaven ngayong Sabado, August 29.


Isang record na naman ang binasag ng #AlDub hashtag pagkatapos umabot sa mahigit 3 million ang tweets para sa #AlDubMaiDenHeaven ngayong araw, August 29.

Naabot ang bilang na ito bago mag-9 P.M. o makalipas lamang ng 21 oras.

Nagtapos ang araw na mayroong mahigit 3.5 million tweets tungkol sa #AlDubMaiDenHeaven.

Ibig sabihin, ang #AlDubMaiDenHeaven na ngayon ang may hawak ng record ng may pinakamataas na bilang ng tweets dito sa Pilipinas.

Nalampasan na nito ang 3,341,021 tweets tungkol sa pagbisita ni Pope Francis dito sa bansa, ang #PapalVisit, noong January 2015.

Maliban dito, gumawa rin ng kasaysayan ang #AlDub dahil sila ang kauna-unahang loveteam sa Pilipinas na nakalampas sa three million tweets.

Ang mahigit 3 million tweets na ito sa loob ng isang araw at pagti-trending sa Twitter araw-araw ay patunay kung gaano kainit ang tambalan ngayon nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza.

Ito ay sa kabila ng hindi pa sila nagtatagpo nang personal, at tanging sa split screen lamang sila nagkikita at nag-uusap sa pamamagitan ng pagli-lipsync at fan signs.

Read: AlDub, KathNiel, JaDine dominate Twitter world

Bago ito, ang pinakamataas na bilang na naabot ng #AlDub hashtag ay 2.6 million; na nakuha ng #ALDUBAgainstALLODDS noong nakaraang Sabado, August 22.

Unang beses na nakaabot ng one million ang isang #AlDub hashtag noong August 12.

Mula August 21 ay hindi na bumaba sa one million bilang ang tweets tungkol sa kanila.

Agad namang nag-post si Alden sa Twitter ng kanyang pasasalamat sa AlDub Nation dahil sa mahigit 3 million tweets:

3Million tweets!!!!!! 🙌🏻🙌🏻🙌🏻🙌🏻 Maraming maraming salamat #AlDubnation. 👋🏻😃

— Alden Richards (@aldenrichards02) August 29, 2015

Si Maine naman ay idinaan sa isang video ang kanyang pagpapasalamat:

3 million tweets?! Say what! Nakakatuwa at nakakaproud ang supporters ng Kalyeserye at ng AlDub! Claps for everyone 👏 pic.twitter.com/8DSKxEKlQU

— Maine Mendoza (@mainedcm) August 29, 2015

Maging ang mga kasamahan nina Alden at Maine sa Eat Bulaga! ay nag-post din ng kani-kanilang mensahe tungkol dito:

Three Million tweets? Iba kayo, dabarkads! #ALDUBMaiDenHeaven pic.twitter.com/Y9uBHdE8Tx

— Eat Bulaga (@EatBulaga) August 29, 2015

Hindi naman siguro daramdamin ng Pope dahil may "heaven" naman ang #ALDUBMaiDenHeaven, so...GO tweet in heaven's name!#3MillionPaMore

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) August 29, 2015


3 million tweets?! 😱❤ Solid talaga kayo! 👍 THANK YOU! 😘 #ALDUBMaiDenHeaven

— Pauleen Luna (@PauleenJLuna) August 29, 2015


Congrats Aldubbers!!!!!! Youre simply the best fandom!!! Ang kokontra kotong https://t.co/viXAuPrJl5

— allan k (@allanklownz) August 29, 2015



ALDUB LOVETEAM. Aksidente lamang ang pagsisimula ng loveteam nina Alden at Yaya Dub.

Ilang araw pa lamang noon si Maine bilang bahagi ng "Problem Solving" segment ng Kapuso noontime show na Eat Bulaga; kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una siyang nakilala bilang Yaya Dub, ang yaya ni Lola Nidora (Wally) na masungit, hindi ngumingiti, at idinadaan ang pagsasalita sa Dubsmash.

Si Maine ang tinaguriang "Dubsmash Queen" dahil sa kanyang Dubsmash videos na naging viral sa Internet.

Noong July 16, 2015 episode ng Eat Bulaga, habang nagda-Dubsmash si Yaya Dub ay ipinakita sa screen si Alden—isa sa mga bagong co-hosts ng show na nasa studio.

Nang makita ni Yaya Dub si Alden ay hindi nito mapigilang mapangiti at halatang kinilig.

Sa tunay na buhay ay crush pala talaga ni Maine ang Kapuso heartthrob.

Nang mga sumunod na araw ay palagian nang nagpapalitan ng "pabebe wave" at fan signs sina Alden at Yaya Dub.

Kasabay ng pagkakabuo ng AlDub loveteam ay ang pagsisimula ng "KalyeSerye," kung saan tampok ang pagpapakilig nina Alden at Yaya Dub at ang iba pang di malilimutang karakter na nagpapasaya sa tanghalian ng mga manonood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN