Ruffa Gutierrez on status as freelance talent: “I'm loyal to my work more than a station.”

Despite being seen regularly in ABS-CBN's Sunday noontime show ASAP XX, Ruffa Gutierrez clarifies that she's not a Kapamilya, and that she's enjoying her status as a freelance talent: “Wala naman akong lilipatan. Kasi, as of now, I’m freelance. I can work wherever, di ba? So wala namag problema dun.”


Kamakailan lang ay naging regular ang paglabas ni Ruffa Gutierrez sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP XX.

Dahil dito, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actress-TV host kung may pinag-uusapan ba kaugnay ng posibleng pagbabalik-Kapamilya niya.

Paglilinaw ni Ruffa, “Wala naman akong lilipatan. Kasi, as of now, I’m freelance.

“I can work wherever, di ba? So, wala namag problema dun.”

Kung saka-sakali, open naman ba siyang bumalik sa poder ng Channel 2?

Sagot niya, “Yeah, wala namang problema.

“Para sa akin, I'm loyal to my work more than a station, you know? Kasi I have kids to feed and to take care of.

“And I’m a single working mom. So that’s what’s most important.

“I’m very happy na maganda ang relationship ko with ABS-CBN.

“As a matter of fact, binili ng kanilang TFC [The Filipino Channel] yung first three season of It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

“So, happy ako na napapanood na kami all over the world. Yung first at second season, napapanood ngayon sa TFC.

“And sa E Channel, at sa buong Asia. More than 20 countries across Southeast Asia naipapalabas yung It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

“Napapanood din ito sa Channel 57 sa Sky Cable, Channel 25 sa Cignal, and Channel 33 sa Cable Link.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN