Coleen Garcia nervous about dad and Billy Crawford's reaction to unpreviewed daring scenes from Ex With Benefits

Coleen Garcia describes her dad's reaction to her daring image in her forthcoming movie, Ex With Benefits: "Parang tinatanggap na lang niya. Siyempre, alam mo naman lahat ng ama, hindi naman tanggap na their daughter is growing up, his baby is growing up.''


Para kay Billy Crawford, mas dapat alalahanin ng girlfriend niyang si Coleen Garcia ang magiging reaksiyon ng kanyang amang si Jose Garcia sa mga maiinit na love scenes ng aktres at ng kanyang leading man na si Derek Ramsay sa pelikulang Ex With Benefits ng Star Cinema at Viva Films.

Ayon kay Coleen, hindi daw problema ito, dahil naikonsulta na niya ito sa kanyang ama. Kampante rin siya, dahil bukod sa kaibigan niya si Derek, alam din ni Coleen na isa itong gentleman.

Kaya nang matiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actress sa lobby ng ELJ Building sa ABS CBN, itinanong namin siya kung ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang ama sa kanyang mga daring scenes sa bago niyang pelikula.

Bungad ng 23-year-old actress-TV host, "Hay naku, yung dad ko kasi, sobrang conservative, as in sobra.

"Sa #Y [her earlier indie film] pa lang, wala pa akong ipinakita, or anything, e...

"Mas daring pa naman ako dito kaysa sa #Y."

DADDY'S GIRL. Paano tinatanggap ng ama ni Coleen ang mga pagbabagong ito sa kanyang career, lalo na ngayon na mas palaban na ang image niya?

Aniya, "Parang tinatanggap na lang niya.

"Siyempre, alam mo naman lahat ng ama, hindi naman tanggap na their daughter is growing up, his baby is growing up.

"Lalo na ang dad ko, since first-born talaga ako and the only girl. So pinu-protektahan talaga niya ako.

"Pinaka-baby ako sa pamilya, kaya ganun."

TURNING POINT. Pinaka-turning point nga raw ito sa career ni Coleen, kaya anuman ang mangyari ay tanggap niya. At gusto niyang gawin kung ano ang nararapat.

Sabi ng It's Showtime host, "Yeah, it's my turning point, and in a way, for him [her dad].

"Kaya nga, I'm gonna bring him sa premiere night.

"Well, it might be hard for him to watch, but I want him to leave the cinema without thinking na...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang sa kanya, kundi for everybody, na I want them to leave the cinema not thinking about those daring scenes.

"I want them to think about the story, the acting, and many other things.

READY FOR MORE DARING IMAGE? Gustong malaman ng karamihan kung ano pa ang kayang gawin ni Coleen sa mga susunod niyang proyekto.

Mas magiging palaban na ba siya?

"Parang for now, hanggang dito na muna.

"And I wanna try other things naman.

"So right now, kung ano ang makikita nila, yun na muna.

"I don't wanna worry about some things na wala pa naman, but I'm always open naman sa changes, di ba?"

THANKFUL FOR BILLY'S UNDERSTANDING. Samantala, napansin naming walang epekto ang maseselang eksena ni Coleen sa relasyon niya kay Billy.

Saad ni Coleen, "Hayun, it's good, kasi at least, magaan, it's light.

"At least, nakikita na supportive talaga siya.

"Baka marami kasi ang nag-iisip na baka nagseselos si Billy or anything. Hindi naman.

"Derek naman, in his interviews, sinabi naman niya na Billy approached him and said, 'I'm glad it's you.'

"Kasi, napaka-professional naman talaga ni Derek.

"Parang mas naging magkaibigan pa nga sila ngayon, kasi kasama ko lagi si Derek [sa promo tours], kaya hayun."

MORE DARING SCENES? Ayon kay Coleen, may mga eksena sa movie na hindi pa nakikita ni Billy.

Sabi niya na napapangiti, "Hindi ko ipinapakita.

"Actually, yung ibang trailers, hindi pa rin niya nakikita.

"Pupunta naman siya sa premiere, so dun na lang niya makikita lahat.

"Gusto rin niyang mag-wait."

Ano ang nararamdaman ni Coleen, ngayong malapit nang mapanood ng boyfriend niya ang buong pelikula?

"Hindi ko alam, pero parang I feel nervous.

"Pero we just got approved na R-13 [meaning only viewers 13 and above can see the film], and walang binawas sa ginawa namin.

"So at least, kung ano ang mapapanood niya, puwedeng mapanood din ng isang 13-year-old."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN