Kylie Padilla denies Julian Trono is courting her: “Bata pa siya.”

Kylie Padilla clarifies that Buena Familia co-star Julian Trono isn't courting her: “Parang kapatid ko lang yun. Ano kasi, e, kung paano kami mag-isip, parehas kami. Parehas kaming mahilig magsulat, ganun. So, nung nagkatrabaho kami dito [sa Buena Familia], magka-vibes na agad kami.”


“Masaya ako! Maraming trabaho, maganda yung show, maganda ang ratings,” panimulang pahayag ni Kylie Padilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang dalawin namin siya nitong nakaraang Biyernes, August 28, sa taping ng Buena Familia sa New Manila.

Gumaganap si Kylie bilang Celine Buena sa nasabing serye ng GMA-7.

Sino ba ang inspirasyon ni Kylie ngayon?

“Sino nag-i-inspire sa akin? Siguro wala, siguro gusto ko lang mag-improve, ganyan.

“Sana mag-improve pa 'ko sa pag-arte, na galingan ko pa dito sa show,” dalangin niya.

Sa pagkatao niya mismo, meron pa ba siyang nais na i-improve?

“Simple lang naman. Gusto ko lang, bago matulog, alam ko na marami akong napasaya. Yun lang.”

Mas hangad niya na marami siyang mapasaya kaysa siya ang mapasaya ng ibang tao?

“Oo, e! Mas pinipili ko yun,” pakli ni Kylie.

CONSOLING HER DAD. Tinext raw niya ang ama niyang si Robin Padilla nang nalaman niyang nakunan ang asawa nitong si Mariel Rodriguez.

“Okay lang daw. Wala sila sa bansa e,” balita ni Kylie.

Naiyak o nalungkot ba siya sa nangyari?

“Nalungkot ako, pero mas nalungkot ako nung nakita ko yung hitsura ni Papa. Ano e, nasa mata niya yung lungkot.”

Nagkita raw sila bago umalis ng bansa sina Robin at Mariel para magbakasyon tatlong linggo na ang nakakaraan.

Wala raw mga salitang namagitan sa kanilang mag-ama.

“Niyakap ko na lang siya,” sabi pa ni Kylie.

Hindi raw sila nag-iyakang mag-ama.

“Hindi kami ganun,” at tumawa si Kylie.

“Hindi ako umiiyak sa harap ni Papa kasi nanghihina siya.”

Sa pagyayakapan lamang raw nila ay nagkaintindhan na sila ni Robin.

“Ganun naman talaga kami ni Papa. Hindi kami mga masalita na tao,” giit niya.

Isa raw iyon sa nakita ni Kylie na lowest point sa buhay ng ama.

DATING. Samantala, wala raw karelasyon si Kylie ngayon, pero umamin siyang nakikipag-date siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung iba, hindi showbiz.”

Pero ayaw i-reveal ni Kylie kung sino ang showbiz guy na nakaka-date niya.

“Wala pa kasi, mamaya bigyan ng ano, e,” at tumawa si Kylie.

Hindi raw si Martin del Rosario iyon. Strictly co-stars lamang raw sila sa Buena Familia.

Hindi rin daw yon si Julian Trono, dahil matalik na magkaibigan daw sila. Lumalabas sila, at nanonood si Kylie ng sine kasama ni Julian kamakailan.

Magkapatid ang papel nila ni Julian sa Buena Familia.

Mas matanda ng six years si Kylie kay Julian.

JUST FRIENDS. Paglarawan niya kay Julian, “Parang kapatid ko lang yun. Ano kasi, e, kung paano kami mag-isip, parehas kami.

“Parehas kaming mahilig magsulat, ganun. So nung nagkatrabaho kami dito [sa Buena Familia], magka-vibes na agad kami.”

Hindi ba nanliligaw sa kanya si Julian?

“No,” mabilis na sagot ni Kylie.

“Bata pa siya.”

Hindi raw siya nag-aalala na baka intrigahin sila ni Julian na magkarelasyon, dahil nakita silang manood ng sine na silang dalawa lamang.

Isa raw sa mga closest friends ni Kylie si Julian sa showbiz ngayon.

“Actually, noon pa naman. Pero since nagkatrabaho kami, mas lalo kaming naging close,” pag-amin pa niya.

Kasama ni Kylie sa Buena Familia sina Angelu de Leon bilang si Bettina Buena, Bobby Andrews bilang Arthur Buena at Sheryl Cruz bilang Josephine.

Ang iba pang artista na nasa serye ay sina Jake Vargas bilang Kevin Acosta; Julie Anne San Jose bilang Darling Acosta; Julian Trono bilang Edwin Buena, Mona Louise Rey bilang Faye Buena, at Martin del Rosario bilang si Harry.

Kasama rin sa cast sina Jackie Rice, Ryza Cenon, Aicelle Santos, Mayton Eugenio, Mel Kimura, Lou Sison at si Ms. Tessie Tomas.

Ang Buena Familia ay sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN