Cristalle Belo announces engagement to Australian boyfriend

More than a year after they became an item, celebrity entrepreneur Cristalle Bello is now engaged to Australian hotelier Justin Pitt. The future bride made the announcement on her Instagram account on Sunday, August 30.


Engaged na ang celebrity entrepreneur na si Cristalle Belo sa kanyang non-showbiz Australian boyfriend na si Justin Pitt.

Mahigit isang taon na silang magkarelasyon.

Sa Instagram ginawa ni Cristalle ang announcement ng kanyang engagement.

Sa kanyang caption, isinulat ni Cristalle: “This is it Justin Pitt! I love you 😘 😍 #FutureMrsPitt”

This is it @justinpitt77! I love you 😘😍#FutureMrsPitt

A photo posted by Cristalle Belo Henares (@cristallebelo) onAug 29, 2015 at 11:34pm PDT

Ang malapit nilang kaibigan na si Frank Briones ang nagpakilala kina Cristalle at Justin noong bumisita ang anak ni Dra. Vicki Belo sa Abu Dhabi.

Si Justin ay general manager ng Anantara Hotel sa Cambodia.

Kahit based sila sa magkaibang bansa, hindi hinayaan nina Cristalle at Justin na maging hadlang ang distansiya sa kanilang relasyon.

Read: Cristalle Henares says it takes "mutual effort" to make a long-distance relationship work



IDEAL QUALITIES. Sa dating panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cristalle, sinabi nito ang mga nagustuhan niya kay Justin.

“Ang maganda sa kanya kasi, thirty-seven na siya, ako thirty-one.

“GM [general manager] siya ng isang hotel called Anantara Hotel, and he’s gonna be the GM sa Cambodia.

“Napakaseryoso na niya,” pagmamalaki ni Cristalle.

Kasundo rin daw ni Justin ang mga magulang ni Cristalle na sina Vicki Belo at Atom Henares.

Read: Cristalle Henares not in a rush to get married: “Hindi pa, wala pa. Pero dapat soon na....”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN