Iñigo Pascual idolizes dad Piolo as an actor: "I second the people by saying that si Papa yung idol nila."

Iñigo Pascual on idolizing his dad as an actor: "Lahat kaming baguhan, pag sinabing, ‘Anong dream mo as an actor?’ I wanna reach whatever Piolo has reached. I mean, I might sound stuck up by saying this, but I feel that he’s one of the pillars of showbiz, of Philippine cinema."


Labis ang kasiyahan at pagpapasalamat ni Iñigo Pascual na pinahahalagahan ng kanyang amang si Piolo Pascual ang future niya.

“It feels great knowing na he’s thinking about my future not just his. And it makes me want to value it even more and make it more important,” sabi ni Iñigo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo sa presscon ng iniendorso nilang Sun Life Financial, na ginanap noong Agosto 28, sa Souq restaurant sa San Fernando, Pampanga, bago ang Sun Life caravan and concert sa SM City Pampanga.

Sa presscon kasi ay naunang inihayag ni Piolo na malaking factor daw ang pagdating ni Iñigo sa buhay niya kaya naisip niyang kumuha ng insurance policies.

“Most definitely, kasi knowing the fact na hindi nga forever ang trabaho [sa showbiz].

“So, anumang mayroon ako, right away I got some policies, high school policies, college policies, para at least mawalan ka man ng trabaho, alam mong secured ang future niya,” ani Piolo.



HOW MUCH IS HE WORTH NOW? Tulad ni Piolo, malaki na rin ang kinikita ni Iñigo ngayon biang artista at endorser.

Kaya naman natanong siya kung how much is he worth now?

Tila nahiya namang sagutin ni Iñigo ang tanong, kaya si Piolo na ang sumalo sa anak.

“I guess he’s earning more than an average 17-year-older,” matipid na sagot ni Piolo.



IDOLIZING HIS FATHER. Bukod sa paghanga ni Iñigo kay Piolo bilang isang responsableng ama, inamin ng young actor na idolo niya rin ito bilang isang magaling na aktor tulad ng pag-idolo rito ng mga baguhang artista sa showbiz.

“Ako rin naman, idol ko si Papa.

“I mean, sinabi ko nga sa isang interview, yung na-reach ni Papa, gusto ko yung ma-reach ko rin.

“Lahat kaming baguhan, pag sinabing, ‘Anong dream mo as an actor?’ I wanna reach whatever Piolo has reached.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, I might sound stuck up by saying this, but I feel that he’s one of the pillars of showbiz, of Philippine cinema.

“Even Tita Clau [Claudine Barretto], when I saw Milan, talagang they’re the people that I really look up to.

“And, you know, I second the people by saying that si Papa yung idol nila.”



FATHER & SON BONDING. Natutuwa lang si Iñigo na kahit pareho silang busy ng kanyang Papa sa kanilang career ay nagkakaroon pa rin sila ng panahon para makapag-bonding.

Malaking bagay rin kay Iñigo na kinuha siya ng Sun Life para maging ambassador kasama ang kanyang Papa dahil nabigyan sila ng pagkakataong makapag-bonding na mag-ama kahit nasa trabaho, tulad nang magkasama silang nag-recording ng theme song ng Sun Life na “Brighter For You.”

Magkakaroon din sila ng mas marami pang bonding dahil magsasama silang mag-ama sa nationwide campaign ng Sun Life dubbed as “#LiveFreePH Movement.”

Kabilang dito ang caravan entitled “#LiveFreePH Freedom Tour,” na nagsimula sa SM City Pampanga noong Agosto 28, kung saan nagsama sina Piolo at Iñigo sa isang concert.

Pagkatapos ng Pampanga leg, susunod naman silang magsasagawa ng caravan sa Iloilo at Davao.

Pero para kay Iñigo, ano ba ang most memorable bonding moment nila ng kanyang Papa?

Sagot niya, “Pag nasa bahay lang kami. Pag nag-uusap lang kami about life.

“Yun ang mga moments na I will remember for the rest of my life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN