Rufa Mae Quinto reveals reason behind bruised skin; deletes post about her four 'mali-mali' operations

Sa pamamagitan ng Instagram, inihayag ni Rufa Mae Quinto ang sanhi ng kanyang mga pasa sa katawan. Masaya na raw siya ngayon at naagapan ng mga doktor ang kanyang sakit matapos ang halos isang taong pagtitiis niya rito. Kalaunan, binura ng komedyana ang ilan sa kanyang posts sa Instagram.


Sunud-sunod ang naging posts sa Instagram ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto kahapon, August 30.

Ito ay kaugnay pa rin sa kanyang pinagdaanan na diumano'y naging dahilan ng hindi niya pagtanggap ng trabaho sa loob ng halos isang taon.

Hindi man malinaw, mahihinuhang ang sanhi ng pagkakaroon niya ng pasa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ay ang pagkakamali niya sa pinagkatiwalaang doktor.

Read: Rufa Mae Quinto posts pictures of her bruised skin on Instagram

Sabi ng Bubble Gang star sa isa niyang post: “Goodmorning guys.i love u all. i feel better each day. i realize to continue my advocacy para sa mga kababaihan ... coz im so grateful i survive since last year march 2014-2015 of aug. So i want wala na mabiktima para maiwasan ang mga ganyan na pangyayari.

“Suffering ako pero nakuha ko lang mag patawa at itago sa dibdib ko lahat fear trauma its like a nightmare everyday. i would wake up in the middle of the night nahimatay pa ako sa sobrang takot. thanks guys. akala mo masacre or ransak ang naranasan ko pero dahil nag ka pag asa ako umayos ang lahat sa body ko.kaya ako nag sasalita.

“At magsasalita sa tamang panahon ng live!”

Kasunod na ibinahagi ni Rufa Mae ang dalawang videos kung saan umiiyak pa rin siya.

Caption niya sa isang Instavid: “Yes I'm hurting Kasi halos d ako naka trabaho whole year last year and people / my fans and showbiz wondering why...

“So now you know why. I was in pain for a year and trying to heal since last year .

“And now I am healed and fixed everything Kaya haharap ako sa lahat para malaman ang true story why. d ako sure when and how so guys I still can't speak to everyone.”

Burado na sa kanyang Instagram ang dalawang videos, pero nakuhanan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng screenshot ang naging caption niya sa isang video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



#THISYEARISTHENEWBEGINNING. Marami pang kasunod na videos ang ipinost ni Rufa Mae sa kanyang Instagram followers.

Sabi niya sa isang in-upload na video: “Nahimatay ako sa trauma Kala ko ang nakaraan at d pa tapos yun pala tapos na.

"So Ito yung awakening ko Kasi nagising ako ang face ko sa Narra floor na.

"So sabi ko iba na noon at ngayon. So gumaling na ako guys. Pero had to experience this pa para masabi ko na don't be afraid may purpose pa ako. 'God said wake up!'

"And my mom and sisters panic nahimatay din . So d say joke guys . Pero sige bilang comedians joke nalang natin attack Ng isang serious event in my life #rufamaequinto #lastyearstartingofmystruggle #thisyearisthenewbeginning #perfectclearedandhealthy

Dagdag pa niya, “My left face bukol pasa sa takot ko guys sa lahat nahimatay ako for 5 mins on the floor so wait for my other pics pati nose ko super pasa at namaga finish na Kaya I can share na para wag na maranansan ng lahat what I felt how I suffered how I got scared Pero Laban Lang guys Laban!

"Ok na din ang lahat so see yah all October guys !!! I'm leaving soon . ✈️💺”


HEMATOMA IS GONE. Sa iba pang posts ni Rufa Mae, sinabi nitong dumaan siya sa apat na operasyon, na aniya ay ‘mali-mali,’ noong nakaraang taon.

Saad niya tungkol dito: “Dreamers never quit ... 🙏🏻💖💖 nakita nyo maga ilong / nose ko sa may eyes ?

"Hematoma this year iba pa last year 5 operations ko. So San ka pa? This last operation succeed nag hematoma Lang Pero ok naman na.

"Healing Lang and a little drain and expose the blood ewan din guys 😩 #hematomaisgone #done"

Pero edited na ang caption niyang ito sa kanyang Instagram account.

Sa isa pa niyang post, sinabi ni Rufa Mae na dumaan siya sa apat na operasyon noong nakaraang taon, kung saan nagkaroon ito ng impeksiyon at kumplikasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Guys dugo makes me scared 3 weeks ago Ito 💉💉 Kaya nahimatay ako after 10 days makita Ito araw araw all day all night- uhhhhmmm buhay ka pa I told myself!

"I'm being positive daily so ngayon ok na ok na ako... Healing inside nalang ..

"Why teaser Kasi last year I had 4 operations na Mali Mali infections complications so now that nakahanap ako doctors matino at nag ayos sa body ko sa buhay and fears ko Kaya mahabang story."

Habang isinusulat ang artikulong ito, bigla na lamang binura ng komedyana ang kanyang post tungkol sa apat na mali-maling operasyon.

Pero nauna na naming nai-screenshot ang kanyang post.

"Now, another Sunday! Another life ! Thank you Lord for the gift of Life. For the people who truly love and care. God bless and God be with you all.

"Sa mga feeling worried na wala naman at ni d Nila alam what I've been through e God bless you pa din.

"At sa mga doctors na paandar d ko na banggit sino sana next time practice clean and don't come near me. Don't pls Lang Baka maibulgar ko pa lahat.”

Pero sa naturang post ngayon, tinanggal na ni Rufa Mae ang linyang 'baka maibulgar ko pa lahat.'


HER REAL CONDITION. Sinagot din ni Rufa Mae ang pagtataka ng marami kung bakit bihira na lang siyang mapanood sa telebisyon o pelikula nitong nakaraang taon.

Nagkaproblema raw ang kanyang kalusugan dahil sa kapabayaan ng dati niyang doktor.

Ito ang post niya:

Saad pa ng 37-year-old comedienne sa caption: “Kaya I always say choose your doctor and if pwede mag 1st 2nd 3 rd opinion tayo guys ...

"Wala ako sama ng loob sa dark scary kong doctor forgive and forget Pero sana next time wag na maulit sa iba and be hygenic para wala get infection maganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nag pakita ako videos para alam Ng Tao pano ang tamang procedure bago opera . Be clean and mag daan sa proper tests . Cbc blood etc and cardio clearance etc etc."

Pero burado na rin ito sa kanyang Instagram page.

NO TO EPAL FRIENDS. Ngayong araw, August 31, balik-trabaho na si Rufa Mae.

Nagpasalamat siya sa mga nagpahayag ng pag-alala, at pinayuhan naman nito ang mga diumano’y epal friends niya na "manahimik at lumayu-layo na."

Aniya, “Happy Monday everyone . Ready for a brand new me...a new beginning... a new happy week ... i woke up feeling like this.... i know what to do and watch what i can do ... mga friends na concern talaga, thanks and friends na epal hits... manahimik at lumayu layo na.at wag na mag papansin kasi d naman nakaka help d pa seryosohin ang buhay ko at health pinag uusapan .ganon pa man.... naayos ang lahat sa akin at kaya ako tumapang kasi buhay at feelings ko pag katao ko na ito.

"Thanks sa mga friends na concern na d ko man lang napag tuunan ng pansin masyado lately.pero im back so catch up na to all .... yes sensitive ako at this point in time kaya wag mag pakita kasi Kaya ko na manapak coz im strong na. Ang mabait pag nagalit at sa tama ka pala e lalaban ka hanggang korte."

Edited na ang post na ito ni Rufa Mae.

Tinanggal niya ang linyang "kaya na niyang manapak at ang lalaban hanggang korte."

Ito naman ang nakalagay sa kanyang original post:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN