Liza Soberano on Gerald Anderson: “Siya yung unang male actor na hinangaan ko.”

Liza Soberano on working with Gerald Anderson on Everyday I Love You: "Nagulat ako kasi hindi ko in-expect na si Gerald ang makakasama namin, and siya agad. Kasi, parang sobrang up there na siya."


Inamin ni Liza Soberano na hindi pa man siya sumasabak sa showbiz ay hinahangaan na niya ang galing ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa pag-arte.

Matatandaang ipinanganak at lumaki si Liza sa California, U.S.A. at nag-umpisang manirahan dito sa Pilipinas, sa poder ng kanyang ama na si John Soberano, noong 2008.

Ayon kay Liza, “Dati pinapanood ko lang siya sa Tayong Dalawa [2010].

“Siya yung unang male actor na hinangaan ko.

“Silang dalawa ni Kim Chiu ang unang pinanood ko na teleserye,”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Liza sa PEPtalk na mapapanood simula sa Miyerkules, September 2, dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dito ay ipinahayag ni Liza na malaking bagay sa kanya na makatrabaho si Gerald sa pelikulang Everyday I Love You, na pinagbibidahan nila ni Enrique Gil.

Si Gerald ang gaganap na karibal ni Enrique sa puso ng gagampanang papel ni Liza.

Patuloy ng young actress, “Nagulat ako kasi hindi ko in-expect na si Gerald ang makakasama namin, and siya agad.

“Kasi, parang sobrang up there na siya, so hindi ko in-expect na siya yung magiging third party.

“Excited din kasi first time ko lang siya makaka-work.”

Ano ang first impression ni Liza kay Gerald? Anong pakiramdam niya na sunud-sunod ang proyekto nila ni Enrique? Malaki ba ang pag-asang sagutin niya si Enrique sa totoong buhay?

Abangan ang mga rebelasyon ni Liza sa #LizaonPEPtalk simula sa September 2!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN