Ai-Ai delas Alas on marrying again: "Hindi muna ako umaasa..."

Ai-Ai delas Alas on settling down again: "Hayaan na lang natin ang panahon at si Lord ang mag-decide kung ipapakasal Niya pa ako o hindi. Kung hindi, okay lang. Pag meron, oo, kasi siyempre bilang Katoliko, nasa pitong Sakramento na kailangan yung Sacrament of Marriage. Para fully…wala akong kasalanan pag humarap ako sa Panginoon."


Iniiwasan na ni Ai-Ai delas Alas na pag-usapan pa ang tungkol sa kanyang lovelife kapag nakakausap siya ng entertainment press.

Kilala naman ng lahat ang non-showbiz boyfriend niya ngayong si Gerald Potenciano Sibayan, 21, pero kung maaari lang ay ayaw na ni Ai-Ai itong pag-usapan.

Mas mabuting tahimik na lang daw dahil natuto na raw siya sa nakaraan niyang pakikipagrelasyon na laging bukas ito sa publiko.

Pahayag ng 50-year-old comedienne, “Ayoko kasi, di ba, sinabi ko na nga nun, na after yung isa, ayoko na masyadong niri-reveal yung lovelife ko.

“Kasi nagugulo, e.

“Okay na yung masaya kami, tahimik. Masaya yung pamilya namin.”

Bago ang relasyon nila ni Gerald ay naging masalimuot ang pagsasama ni Ai-Ai at ng negosyanteng si Jed Salang.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa thanksgiving presscon niya, sa Victorino's restaurant, Quezon City, noong Sabado, August 29.

Matagal na rin ang relasyon nina Ai-Ai at Gerald, at masaya na raw ang Kapuso star sa ganung set-up.

Pero umaasa pa ba siyang makasal sila ni Gerald?

Sagot ni Ai-Ai, “Dati kasi pinipilit ko yung mga bagay, ngayon siguro hindi na.

“Hayaan na lang natin ang panahon at si Lord ang mag-decide kung ipapakasal Niya pa ako o hindi.

“Kung hindi, okay lang.

“Pag meron, oo, kasi siyempre bilang Katoliko, nasa pitong Sakramento na kailangan yung Sacrament of Marriage.

“Para fully…wala akong kasalanan pag humarap ako sa Panginoon.

“E, di masaya kung mapapakasal ako.”

Masaya naman daw ang relasyon nila ni Gerald at hindi pa nila napapag-usapan ang kasal.

“Hindi muna ako umaasa, pero sana, para kumpleto naman ako dun sa pitong Sakramento,” pahayag ni Ai-Ai.

Ang idinidasal na lang daw niya ngayon ay manatiling masaya, dahil kuntento na siya sa takbo ng career niya sa GMA Network.

Wala na raw siyang mahihiling pa dahil consistent na mataas ang rating ng Sunday Pinasaya, at may mga kasunod pa siyang programa pagkatapos ng drama series niyang Let The Love Begin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN