Ai-Ai delas Alas to personally talk to Jiro Manio's Japanese dad

Ai-Ai delas Alas on her growing family: “Napakasaya kasi lumaki nga ang pamilya ko. Aside nga sa family ko, dumating si Jiro, dumating yung Sunday Pinasaya family namin. Parang ang laki-laki, parang ang dami-dami kong kapamilya na ang saya. Hindi ako nai-stress, masaya yung kasama ko, happy naman ako.”


Ikinatutuwa ni Ai-Ai delas na lalong lumalaki ang pamilya niyang nakakatrabaho na masaya lang at walang stress.

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay ang pamilya niya sa bagong Sunday noontime show na Sunday Pinasaya, pati na ang kanyang anak-anakan na si Jiro Manio na tinutulungan niya ngayon.

Pahayag ng Philippine Queen of Comedy, “Napakasaya kasi lumaki nga ang pamilya ko.

“Aside nga sa family ko, dumating si Jiro, dumating yung Sunday Pinasaya family namin.

“Parang ang laki-laki, parang ang dami-dami kong kapamilya na ang saya.

“Hindi ako nai-stress, masaya yung kasama ko, happy naman ako.”

Sa susunod na linggo ay tutulak patungong Japan si Ai-Ai kasama ang staff niya.

Isa raw sa pakay ng pagpunta niya ng Japan ay makausap nang personal ang Japanese father ni Jiro Manio.

“Nagpi-pray ako na sana okay.

“Sana maging maganda ang pag-uusap para masaya naman ang Pasko ni Jiro.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN