Epy Quizon on Zsa Zsa Padilla’s lovelife: "My father would have agreed also for her to be happy in this lifetime."

Epy Quizon on Zsa Zsa Padilla's lovelife: "I don’t wanna speak in behalf of my other siblings, pero like me, tanggap ko. Ewan ko lang sa iba kung tanggap nila."


Nagpahayag ng suporta si Epy Quizon sa lovelife ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla

Si Epy ang isa sa mga anak ng yumaong King of Comedy na si Dolphy, na dating longtime partner ng singer-actress.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Epy sa presscon ng historical movie na Heneral Luna, noong August 27, sa Victorino's restaurant, Quezon City, sinabi nitong ang importante ay maligaya sa kanyang buhay ngayon si Zsa Zsa.

Ikakasal na si Zsa Zsa sa arkitektong si Conrad Onglao sa 2016.

Pahayag ni Epy, “I’m happy for her. At least, she’s happy. Basta, masaya kami.”

Nagkakausap ba sila ni Zsa Zsa tungkol sa personal life nito?

Tugon ng aktor, “A, yeah, yeah...

“Nagkita kami sa isang taping, kasama niya si Sir Conrad.”

Nagkausap na ba sina Epy at Conrad?

“Yeah, he’s very well-educated.

“He knows how to face you. Hindi yung walang nahihiya, walang ganun.

“Alam niya [Conrad] kung paano humarap sa tao.

"Basta, marunong humarap sa tao, marunong din kaming humarap sa tao.

“He loves Zsa Zsa.”

Nagpaalam ba muna si Zsa Zsa sa kanila bago niya tinanggap ang pag-ibig ni Conrad?

Sagot ni Epy, “Ay, hindi na. Personal niya yun, e.

"Pagdating sa daddy ko, ayun, pag-uusapan namin.

“Pero yung personal nila, parang, ako ba, kung manliligaw ba ako ng babae, tatawag pa ba ako kay Zsa Zsa at sasabihin kong manliligaw ako ng babae?

“Kumbaga, parang ano na 'yan, e...

"I don’t wanna say my father is the past. My father is in heaven.

"And, of course, my father would have agreed also for her to be happy in this lifetime.

“Bakit naman namin ihi-hinder yung happiness ng isang tao just because of a personal reason?”

Pumanaw ang King of Comedy na si Dolphy noong July 10, 2012 sa edad na 83.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZSA ZSA'S WEDDING. Kailan naisip ng pamilya Quizon na puwede nang magkaroon ng sarili niyang kaligahayan at umibig muli sa iba si Zsa Zsa?

Paglilinaw ni Epy, “Actually, never naman naming inisip na hindi puwede, e.

"Nung meron na, ‘A, okay!’

“I don’t wanna speak in behalf of my other siblings.

"Pero, like me, tanggap ko. Ewan ko lang sa iba kung tanggap nila.

“I will never be sure, and I don’t wanna answer for my other siblings.”

Ayon kay Epy, walang nabanggit sa kanila si Zsa Zsa tungkol sa pagpapakasal nito kay Conrad.

“Wala, e, honestly.

"Well, kung saan siya masaya.

"Kung iimbitahan ako, oo [pupunta ako sa kasal].

“Pero alam naman niyo ako, sa mga events na ganyan, hindi talaga ako pumupunta sa kasal... bihira, e.

“Pero siguro, if ever.”



ZSA ZSA’S BASHERS. Ano ang masasabi ni Epy sa pagba-bash ng ilan kay Zsa Zsa sa social media dahil sa relasyon nito kay Conrad?

Pagtatanggol ni Epy kay Zsa Zsa, “Huwag na. Namatayan na nga yung tao, pabayaan na lang ninyong maging masaya.

"Pabayaan na lang nating maging masaya.

“For the bashers, I know nasaktan siguro sila dahil parang, siguro para sa kanila, it’s too soon and all that.

"Pero sa akin, bakit naman kami, hindi naman kami nasasaktan?

“All I can do is wish her happiness.

"And who am I to stop her for being happy? Who are we to stop them from being happy?

“They’re happy together. Wala na tayong magagawa dun.

"Pag-ibig yun, e. Mahirap kontrahin ang pag-ibig.

"Sana man lang, kung nagbobolahan lang sila, e, di kontrahin natin nang konti.

"Nagmamahalan, e."

Hanggang ngayon ba ay nandoon pa rin ang malasakit ng mga Quizon kay Zsa Zsa?

Tugon ni Epy, “Well, the concern is with one another.

"Well, I’m pretty sure, pag ako naman ang masaya na umiibig ako, I’m sure they will be happy for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung concern namin is with one another.

"Pero para pakialaman namin yung personal issues, parang hindi talaga trip ng Quizon yun, e.

“Ang mga Quizon, kanya-kanya ‘yan. Bahala ka diyan.

"At the end of the day, nagmamahalan tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN