Epy Quizon's advice to wayward relatives: "Umiwas kayo sa mga hindi magandang impluwensiya."

Epy Quizon at a loss on why some of his relatives have gone astray: “Dami namin. Kung apat lang kami, masasagot kita. Pero ang dami namin... daming apo... ang dami namin, e.”


Noong July 25 ay ginunita ng pamilya Quizon ang 86th birthday ng yumaong Comedy King na si Dolphy sa puntod nito sa Heritage Park, Taguig City.

Ayon sa isa sa mga anak ni Dolphy na si Epy Quizon, hindi nila nagawang magsabay-sabay na bumisita sa sementeryo dahil abala ang iba sa kanila.

Kaya nagkanya-kanya sila ng dalaw sa puntod.

Pero nagpamisa sila at sa gabi ay nagkaroon ng birthday gathering para kay Boy2 Quizon, isa sa mga apo ng Comedy King.

Kuwento ni Epy, “So, the family went there. We had drinks.

"We made a shrine. Our own little shrine for dad.

"Tapos meron din siyang drink doon. He was drinking din with us.

“Mas smaller scale lang ngayon. Hindi kami nag-fun run.

"Basta, sama-sama lang kami."

Dumating din daw ang dating longtime partner ni Mang Dolphy na si Zsa Zsa Padilla.


PROBLEMATIC QUIZONS. Samantala, nagkomento rin si Epy kaugnay ng ilang miyembro ng Quizon clan na sangkot sa legal cases.

Sabi niya, “Pag masaya ang isang tao, masaya ako.

"Pag malungkot ang mga Quizon, malungkot din ako.

“Pero anong magagawa ko? Yun ang pinili nilang buhay.”

Ano ang advice ni Epy sa mga ito?

“Umiwas kayo sa droga. Umiwas kayo sa tukso.

"Umiwas kayo sa mga hindi magandang impluwensiya," sagot niya.

May mga miyembro ba ng Quizon clan na naliligaw ng landas?

Tugon ni Epy, “Dami namin.

"Kung apat lang kami, masasagot kita.

"Pero ang dami namin... daming apo... ang dami namin, e.

"Sa dami namin, may mga matitino, may hindi. Di ba?

“So, para masagot ko lahat ng mga tumatakbo sa isip ng mga pamangkin ko, ng mga tito ko... ang hirap, e.

"Ang hirap talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN