Max Collins returns to wholesome image after posing for FHM

Though she was FHM Magazine’s cover girl for March 2015, Max Collins wants to go back to having a wholesome image.


Kapansin-pansing puro wholesome projects ngayon ang ginagawa ni Max Collins sa kanyang home network na GMA-7.

Bukod sa gag show na Bubble Gang, leading lady siya ni Sef Cadayona sa weekend comedy series na Juan Tamad.

Makakasama na rin siya sa reality-based show na Day Off sa GMA News TV.

Pahayag ni Max, “Hindi ko talaga in-expect na mapupunta ako sa comedy. Nagulat ako kung paano ako napunta sa comedy.

“Hindi naman ako funny pero, like yung mga batang ito, kilala nila ako sa Bubble Gang.

"Hindi ko akalain na dun pa nila ako makikilala, hindi pa sa mga teleserye.

“So, nakakataba ng puso na napapanood nila ako, kilala nila ako.

"As long as I’m doing something that people enjoy watching, that makes me fulfilled."

Ang tinutukoy na mga bata ni Max ay ang mga kabataang nasa pangangalaga ng Tent of Praise Ministries Church, sa West Rembo, Makati City.

Nagsagawa ng birthday charity roon ang 23-year-old Kapuso actress noong Sabado, August 29.

GOING BACK TO WHOLESOME IMAGE. Tinahak ni Max ang sexy image nang mag-pose siya bilang cover girl ng FHM noong March 2015, subalit bumabalik ngayon ang aktres sa wholesome image.

Against ba siya sa pagkakaroon ng sexy image?

Paglilinaw ni Max, “Hindi naman. There’s nothing wrong with it.

“Kaya lang, it’s not my comfort zone.

"I think tapos na ako dun in a sense na I’d like to do something different, kasi I’d like to do something different all the time.

"And that posing for FHM was something different.

“Now, I’d like to focus more on kids, on wholesome roles for a while.

“That doesn’t change me being an actress, siyempre lahat ng roles kailangan gampanan ko.

"Pero natutuwa lang ako sa status ko now as an actress."

May pagsisisi ba siya sa pagpu-pose sa FHM?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “No regrets naman. Kasama na 'yon sa pagiging artista.

"Lahat ng roles talaga, you’ll end up doing everything.

“At least I was open to another market.

"I guess dumami rin ang fans ko dahil sa FHM, so nagpapasalamat din ako sa kanila."

Nilinaw rin ni Max na hindi siya sarado sa idea na muling magpa-sexy.

“Hindi naman closing my doors, pero ayoko lang mag-focus dun sa mga sexy roles.

“Gusto kong mag-focus sa mga roles na makakatulong. Just do something different from before,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN