Iñigo Pascual unfazed by rumor linking screen partner Julia Barretto to James Reid

Iñigo Pascual regards Julia Barretto as his best friend, they do share life stories and talk things out, including the rumor linking her to James Reid. He says, "I asked her about it, if it's true or if there's anything going on. She just told me na she'll focus on what she has, on her career."


Maraming tagahanga ng tambalang Iñigo Pascual-Julia Barretto ang nag-alala para sa Kapamilya young actor noong panahong kumalat ang balita na nag-uugnay kina Julia at James Reid.

Sina Iñigo at Julia ang isa sa mga bagong loveteam na bini-buildup ng ABS-CBN; si James naman ay ipinapareha kay Nadine Lustre.

Pero ano nga ba ang naging reaksiyon ni Iñigo sa pagkakaugnay ni Julia kay James?

Aniya, "I really don't know what to say, kasi choice naman natin yun.

"We're all given the choice in life, trabaho nga po namin yun.

“Pero yung ginagawa namin outside our loveteam is our own personal choice.

“As Julia's best friend, I don't mind if it's really her decision.

"But I don't even know, kasi kapag magkausap kami ni Julia, it's all about our personal problems.

"We don't really talk about lovelife or anything, especially hers.

"With that, I don't really have much to say, 'cause I don't have info about it."

Pinag-usapan ba nila ito ni Julia noon?

Tugon ng anak ni Piolo Pascual, "Of course, I asked her about it, if it's true or if there's anything going on.

"She just told me na she'll focus on what she has, on her career.

"Kasi, yun nga po, pinuproblema namin ang problema ng teenagers ngayon.

“Even if we're actors na, we go through that stuff, 'cause we're human.

"We all go through that, we have crushes and that stuff, yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo sa presscon ng Sunlife Financial's #LiveFreePH MovementConcert, na ginanap sa Souq restaurant, sa San Fernando, Pampanga, noong August 28.



WORRIED. Sabi pa ni Iñigo, kahit sila ni Julia ang magka-loveteam, may mga bagay na hindi naman daw niya kailangang malaman pa.

"Being a loveteam, yung mga bagay na ganun, I think it's hard to talk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit hindi kayo, even if you’re not in a relationship, siyempre andun pa rin yung gusto niya…

"Gusto mong kasama siya, dahil nakasanayang siya ang kasama [mo].

"So, andun pa rin yun."

Aminado si Iñigo na nakaramdam siya ng takot na baka maapektuhan ang kabagu-bagong loveteam nila ni Julia.

Sabi ng 17-year-old actor, "Siyempre, andun pa rin yung takot.

“If it would ruin your loveteam, especially JaDine, siyempre magagalit ang fans.

“They might [invent] some stuff about us or baka masira si Julia, baka si James, masira whoever... kami ni Nadine.

"Siyempre natakot, pero we really just have to trust the management's decision.

"So, we have to make decisions that will make us better.

"I mean, we learn from our mistakes naman, di ba?”



POSITIVE PERSON. Sa gitna ng mga naging intriga kay Julia, bumilib daw si Iñigo sa kapareha kung paano nito dalhin ang mga ganitong isyu.

"One thing I really like about Julia is that she doesn't let it affect her.

"Siya yung tao na ang dami mang mag-bash sa kanya, wala siyang pride.

"She's gonna do what she does, alam mo yun, she's such a positive person.

"Palagi ko siyang tinatanong kapag nagti-taping kami, 'Happy ka ba? Masaya ka ba?'

"And she asks me the same thing.

"Sinasabi niya sa akin, 'I'm sixty percent [okay] today, I'm seventy percent today.'

"Importante yun, e.

"Sinasabi ko sa kanya, 'Huwag kang masyadong happy kasi kapag na-reach mo na yung hundred percent, babalik ka sa zero. So, kailangang may balance.'"

Tila lumalabas na siya ang knight in the shining armor ng dalaga nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Pagsang-ayon naman ni Iñigo, "I'd like to think… you have to be there, she's such a fragile person.

“Even when she's so strong, siyempre as human, meron [siyang] soft spot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na kahit paano ay makakasakit sa amin.

"So, yun, as her best friend, as someone she can trust, I want to be there anytime I can and when she needs me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN