Billy Crawford on Coleen Garcia’s love scenes: “May mata naman ako, kaya kong ipikit 'yan.”

Billy Crawford attended the premiere night his girlfriend Coleen Garcia's launching movie Ex With Benefits last night, September 1. However, when asked if he will watch Coleen's love scenes with partner Derek Ramsay, he jokingly answered: “May mata naman ako, kaya kong ipikit yan.”


Suportado ni Billy Crawford ang launching movie ng girlfriend niyang si Coleen Garcia, ang Ex With Benefits, na nagbukas sa mga sinehan ngayong araw, September 2.

Sa katunayan, um-attend pa ang It’s Showtime host sa premiere ng pelikula sa SM Megamall Cinema 7, kagabi, September 1.

Daring ang role ni Coleen dito, at marami siyang bed scenes kasama ang leading man niyang si Derek Ramsay.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Billy sa premiere, pabiro niyang sinabi ang kanyang gagawin kapag ipinalabas na ang love scenes ni Coleen kay Derek.

“May mata naman ako, kaya kong ipikit 'yan!” sabi niya.

Subalit sinabi rin ni Billy na excited siya sa pelikula ni Coleen at suportado niya ito.

“Mahal ko si Coleen kaya suporta ako sa kanya.

“With Derek Ramsay, I’m very, very excited for them.

"I’m excited for the film."

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Coleen, naibahagi niyang "seloso na may dahilan" ang boyfriend na si Billy.

Subalit napag-usapan na rin naman daw nila ang tungkol sa love scenes na gagawin niya sa pelikula.

Read: Coleen Garcia describes boyfriend Billy Crawford as "seloso na may dahilan"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN