Vic Sotto on cable interruptions during AlDub’s KalyeSerye: "Walang kayang humarang sa dalawang yun!"

Vic Sotto on AlDub phenomenon: "Right now, I really don’t have an explanation. Basta alam ko, right now, nag-e-enjoy ako. Personally, I’m enjoying it, nag-e-enjoy ang napakaraming manonood, so let’s just enjoy it. Mahirap nang mag-a-analyze tayo."


Maging si Vic Sotto ay hindi maipaliwanag kung ano ang sikreto ng tagumpay ng AlDub, ang tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub (a.k.a. Maine Mendoza) na bumibida sa kinagigiliwang KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Sabi ng comedian-TV host, “It’s so hard to explain.

"Mahirap i-explain kaya nga inimbento ang word na phenomenal, phenomenon, ‘no?

“So, right now, I really don’t have an explanation.

"Basta alam ko, right now, nag-e-enjoy ako.

“Personally, I’m enjoying it, nag-e-enjoy ang napakaraming manonood, so let’s just enjoy it.

“Mahirap nang mag-a-analyze tayo.

"Basta araw-araw tayong manood, araw-araw nating sundan kung ano’ng mangyaring kasunod [sa AlDub]."

Bukod sa AlDub, binanggit din ni Vic ang "Juan For All, All For Juan" segment hosts na sina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo na malaking bahagi ng tagumpay ng KalyeSerye.

“Congratulations kay AlDub at my special congratulations dun sa mga lola ko [Wally, Paolo, at Jose].

"Sila talaga ang mga nagdadala ng tagumpay at katatawanan para sa ating mga Dabarkads."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa launching niya bilang endorser ng CitiGlobal Realty & Development, Inc., nitong Miyerkules, September 2.

LOSS OF CABLE SIGNAL. Tinanong din ng PEP si Vic kung ano ang masasabi niya sa pagpa-file ng complaint ng GMA Network laban sa SkyCable.

Ito ay may kinalaman sa reklamo ng maraming viewers dahil sa “service interruptions” kapag oras na ng KalyeSerye, partikular nitong July hanggang August.

Ang SkyCable ang pinakamalaking cable-channel service provider sa bansa na pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Nitong August, isinumite ng GMA ang reklamo sa National Telecommunications Commission (NTC), na siyang kumukontrol sa ahensiya at kumpanyang nagbibigay ng serbisyong pang-telekomunikasyon sa bansa.

Read: GMA hits back at SkyCable for tagging the TV network's NTC complaint "malicious" and "without basis"

Ani Vic, “Wala. Walang kayang humarang sa dalawang ‘yon [AlDub].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit anong disturbance or whatever, kung nawawala naman yung sound, puwede naman panoorin ulit.

“Kaya nga tayo may YouTube.

"Kung medyo na-miss mo ng konti, sa gabi bago ka matulog, panoorin mo yung episode."



NOT YET SURE. Sinabi naman ni Vic na hindi pa tiyak kung makakasama nga sina Alden at Maine sa pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas na entry na Metro Manila Film Festival sa December, ang Romcom-in Mo Ako.

Sabi niya, “Yung AlDub, hindi ko pa masasabi ngayon dahil under negotiations pa kasi; mga scheduling, yung mga marami pang kailangang plantsahin.

"So, hopefully, sana nga makasama namin ni Ai-Ai.

"I’m sure that will be more fun and kilig pa more."

Tiniyak naman ni Vic na malapit na nilang simulan ni Ai-Ai ang shooting ng pelikula.

“Inaayos na namin lahat.

"September 18, hopefully, we’ll be able to break the ice.

“Konting revisions na lang sa script, so as of now, ayos na ayos na ang script.

"Casting na lang ang inaayos namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN