Marjorie Barretto evades questions about daughter Julia being linked to James Reid

Marjorie Barretto says she's allowing daughter Julia to accept suitors. “I don't wanna be a corny mom. Baka kapag pinigilan ko, hindi na magkuwento ang mga anak ko.”


Bagamat dismayado, naiintindihan daw ni Marjorie Barretto kung ang anak niyang si Julia Barretto ay nali-link sa young male stars.

Saad niya, “I feel unfair for her. Pero it's part of the business, e.

“Minsan nga, mas marami pang alam ang mga tao kaysa sa amin.

"Minsan kahit siya, nakita raw sa ganito, parang, 'Huh? She's never been to that place.'

"It's part of the business."

Matatandaang naibalita noon na nakita diumano si Julia kasama ang young actor na si James Reid sa isang coffee shop.

Ngunit agad naman itong itinanggi nina Julia at James.

Tinanong ng reporters kung inalam ni Marjorie ang kanyang anak kung totoo ito.

Sagot ng comebacking actress, “I know everything so I don't have to ask her.

“I know where she goes and she really doesn't have time to go dating.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Marjorie sa press conference ng upcoming TV5 drama series na My Fair Lady, kahapon, September 3.

Nabanggit na rin lang ni Marjorie ang pakikipag-date, pinapayagan na ba niya si Julia?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman.

“I don't wanna be a corny mom.

"Baka kapag pinigilan ko, hindi na magkuwento ang mga anak ko."

Nang muling tanungin kung tinanong niya ang anak tungkol sa pagkaka-link nito kay James, sagot ni Marjorie, “I didn't have to ask her 'cause I'm aware of everything.

“I know naman what's happening in her life.

“Tapos na rin naman ang isyu, I don't wanna relive that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN